"CHAPTER 25"

14.3K 327 18
                                    

Nilalaro ni Lara ang kanyang anak sa sala kaya masyadong maingay sa paligid. Kinikiliti niya at binubulaga ang anak at tatawa naman ito nang malakas. Ang resulta, napapahalakhak din siya.

Hindi siya pumasok ng araw na iyon dahil gusto niyang bigyan ng oras ang anak.

"Ang cute cute talaga ng baby ko!" natutuwang bulalas niya.

"Lara," tawag pansin ng mama niya ng sumulpot ito sa main door ng bahay niya.

Napatingin si Lara sa ina. "Bakit po ma?" tanong niya.

"May bisita ka".

Nagtaka siya. Wala naman siyang inaasahan na bisitang darating ngayon. "Sino, mama?"

"Ako", buhat sa likuran ng kanyang ina ay sumulpot si Bryan.

Napatayong bigla si Lara mula sa pagkasalampak sa sahig. Binuhat niya ang anak. Kinakabahan at nanlalaki ang kanyang mga mata.

Hindi niya inaasahan na pupunta si Bryan sa kanya. Tama ba ang dinig niya? Siya ang hinahanap kaya bisita niya ito? Pero bakit?

"What are you doing here?" pinilit niya na maging kaswal ang kanyang tinig. "Mama, bakit siya nandito? " bulong niya sa ina ng lumapit ito sa kanya.

Nagkibit-balikat lamang ang ginang at may ngiting bahagyang nakasungaw sa mga labi nito. "Maiwan ko muna kayong dalawa. Mag-usap kayo ng maayos, may gagawin pa ako."

“Ma! Sandali!" maagap na awat niya sa ina nang tumalikod ito papasok ng bahay pero di siya nito pinansin.

"How are you, Lara?" nakangiting tanong ni Bryan sa kanya na nagsimulang humakbang palapit sa kanilang mag-ina.

Kinabahan siya. "B-bakit ka pala nandito? M-may k-kailangan ka ba?" kandautal na tanong niya.

"Nabalitaan ko kasi na nandito ka na ulit sa Pilipinas. Matagal kitang hinanap. Nang mamatay si Tara ay hindi ka manlang nagpakita. Maging sa libing hinintay kong dumating ka. Gusto sana kita kausapin. Bakit hindi ka nagpakita, Lara? Nagawa mong tikisin ang kapatid mo."  huminto ito sa harap niya.

"Hindi ko tinikis ang kapatid ko!" mariing sagot niya. "Hindi niyo lang ako nakita. Sa burol at libing niya naroon ako. Noong araw ng libing hinintay ko lang na makaalis ang lahat bago lumapit."

"Bakit ka nagtago? Anyway, kamusta ka na? Umalis ka noon na hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na makausap ka. Basta mo nalang ako iniwan ng walang paalam."

"I'm sorry Bryan. Natatakot ako noon na sumbatan mo. Higit sa lahat ayaw kong guluhin kayo ni Tara. Kailangan ka niya ng mga panahong iyon. Asawa ka niya. At ako wala na akong karapatan na lumapit sa inyo. Naging impostor lang ako ng kapatid ko noon. At noong bumalik na si Tara kailangan ko nang lumayo."

"Isang impostor na minahal ko, Lara. Tama nga ang pakiramdam ko noon na ibang tao ka. Pero hindi ko lang masabi dahil hindi ko alam kung paano ko patutunayan ang hinala ko. Noong bumalik na si Tara at nabunyag ang sekrito ng pagpapalit niyo. Noon ko narealized na, minahal kita bilang ikaw, hindi bilang si Tara. Hinintay ko lang na makapagbabang-luksa ako sa pagkamatay ni Tara bago ako nagpasyang puntahan ka. Alam ko na may responsibilidad ako na dapat panindigan sa iyo Lara.”

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon