Sa harap ng hapag-kainan ay matiim pinag-aaralan ni Bryan ang mga kilos ni Tara. Simula ng lumabas sila ng hospital marami siyang nakikitang kakaiba sa kilos ng asawa. Di ito nagagalit kapag sinisinghalan niya. Pakiramdam niya hindi si Tara ang kanyang kaharap.
Ang Tarang kilala niya ay matapang at palaban. Pero nagtataka siya kung bakit ngayon nahahalata niya na lagi itong kinakabahan at natatakot sa kanya. Pero naisip niya siguro takot ito sa kanya dahil ito ang dahilan kung bakit naka wheel chair siya ngayon.
"Nakunsensya, malamang" bulong niya sa sarili. "Siguradong may plano ang babaeng ito, hindi ako mahuhulog sa patibong mo, Tara!" sabi ng isang bahagi ng utak niya habang nakatingin siya sa asawa.
Hindi siya makapaniwala na sasabay si Tara sa kanya sa pagkain gayong dati rati ay tumatanggi ito at mas gusto pang kumain sa labas kasama ang mga kaibigan.
"Aling Airene," tawag nito sa katiwala na nakatayo hindi kalayuan sa kanila. "Ipagtimpla mo naman ako ng gatas, please", nakangiting utos nito.
Gulat na gulat siya maging si Aling Airene. Alam din kasi nito na di umiinom ng gatas si Tara. Nasusuka ito sa gatas.
"Ma'am? Gatas?" gulat na sambit ng ginang.
"Gatas?" kunot-noong tanong niya kay Tara. "Kailan ka pa umiinom ng gatas? Hindi ba at nasusuka ka kapag umiinom ka ng gatas?" dagdag niya. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito. Tingin nga niya bigla itong namutla.
Natarantang bigla si Lara. Nakalimutan na niya ang kumilos bilang si Tara.
Bigla ay wala siyang maapuhap sabihin. "Ahh, k-kuwan, m-matagal na. H-hindi mo lang siguro nakitang umiinom ako minsan ng gatas, kailangan ko lang masanay para di masusuka" kandautal na sagot siya.
Hindi kumibo si Bryan. Basta lang ito nakatitig sa kanya. Mayamaya tahimik na itong sumubo ng kanin.
Nilingon niya si Aling Airene. Tumalikod na ito para ipagtimpla siya ng gatas.
Palihim na napabuga siya ng hangin. Grabe ang kaba niya. Kailangan na talaga niya mag-ingat mukhang marami nang nakitang kakaiba si Bryan sa kanya. Hindi maaaring mabuko siya. Kailangan niya mag-ingat sa kanyang mga kilos hanggang sa makabalik ang kakambal niya.
***votes and comments are highly appreciated***

BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...