"Saan ka nanggaling?" dumagundong ang tinig ni Bryan sa kabuuan ng maluwang na sala.
Muntik naman mapatalon sa gulat si Tara. Madilim sa sala kaya hindi niya makita kung saan ang lalaki. Bubuksan na sana niya ang ilaw ng bigla itong magsalita. Ang akala niya ay tulog na ito dahil madaling araw na.
Kinapa niya muli ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto at pinindot. Kumalat ang nakakasilaw na liwanag sa paligid.
"Tinatanong kita! kung nasaan ka nanggaling at bakit ngayon ka lang umuwi!"
Nakita ni Tara si Bryan na nakade-kwatrong nakaupo sa sofa habang ang dalawang braso ay nakadipa sa sandalan. Madilim ang mukha nito sa galit.
"Sa mga kaibigan ko!" malamig na sagot niya at pabalewalang nilagpasan ang nakaupong asawa para umakyat sa kanyang silid.
"Huwag mo akong talikuran kapag kinakausap pa kita! Tara!" mariing wika nito at padarag na tumayo.
Mula naman sa pagkakatayo sa ibaba ng hagdan ay salubong ang mga kilay na nilingon niya si Bryan.
"Pwede ba, kung marami ka pang itatanong sa akin, bukas nalang, pwede? I'm already sleepy and I want to rest now!"
Naikuyom ni Bryan ang mga kamao sa galit.
"Hindi ganitong oras ang uwi ng isang matinong babae!"
"Wala kang pakialam kung anong oras ko gustuhing umuwi!" paangil na tugon niya.
"I just want to take care of my name Tara! If you don't care about yours, well I care for mine. Kaya wag ka magkakamaling gumawa ng anumang kalokohan na ikakapahamak ng pangalan ko at ng pamilya ko!"
Bahagya siyang napaatras nang makita ang nagliliyab sa galit na mga mata ni Bryan. Pero di siya nagpatinag, matatag pa rin niya itong hinarap. Hindi isang tulad niya ang pasisindak sa isang Bryan Del Rico.
"Kung ganoon, set me free Bryan! Maghiwalay na tayo!"
Humakbang si Bryan palapit sa kanya at bago pa siya nakakilos ay marahas na siyang hinawakan nito sa braso.
"I will never set you free! iyan ang itatak mo sa kukote mo, Tara Manases Del Rico!"
"What do you want Bryan?! Di pa ba sapat ang lahat ng masasakit na salita na binitiwan mo sa akin!? Kulang pa ba ang lahat ng sakit na naramdaman ko, para sa parusang gusto mo dahil sa kasalanan ko sayo?!. Bakit di mo nalang ako bugbugin at saktan ng makontento ka na! Do it! di ako gaganti, hurt me now!" histirikal na sigaw niya.
Ngumisi si Bryan. "This is just a start, Tara. Nakakaramdam ka rin pala ng sakit?! Pero di pa sapat iyon!."
Pumiksi siya at inalis ang kamay ng asawa na mahigpit na nakahawak sa braso niya.
"Kung ganoon, huwag mo ako pakialaman sa gusto kong gawin! I will do what I want!"
Pagkasabi niyon ay walang lingon na tinalikuran niya si Bryan. Padabog na umakyat siya sa hagdan at pagdating sa kanyang silid ay pabalibag niyang isinara iyon.
Naiwan naman sa ibaba si Bryan. Tiim-bagang. Kuyom ang mga kamao.
Mayamaya ay walang sabi-sabing lumabas ng bahay. Sumakay sa kotse nito at umalis. Wala itong maisip puntahan. Ang tanging nais nito nang mga sandaling iyon ay mapag-isa at makapag-isip.
***votes and comments are highly appreciated***

BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...