Nagising si Tara mula sa mahimbing na pagkakatulog hindi dahil sa tanghali na kundi dahil sa matinding pananakit ng kanyang ulo. This is not the first time. Madalas siyang makadama ng matinding pananakit ng ulo na hindi niya alam kung bakit.
"Ahh!" daing niya habang hawak ng magkabilang kamay ang ulo. Halos sabunutan na rin niya ang kanyang sarili dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
Noong una ay binabalewala lang niya. She was thinking na baka dahil lang sa madalas siyang nagpupuyat. O di kaya ay dahil sa pagod at paglalasing niya. Pero habang tumatagal mas lalong naging madalas at naging mas masakit na para bang gusto niyang iuntog sa pader para maibsan lang ang sakit.
"Diyos ko po!!!" muling paimpit niyang tili. Halos gagapang na siya sanhi ng sobrang sakit.
Medyo matagal din siyang namilipit sa ibabaw ng kanyang kama at nagpagulong-gulong sa sakit. Ilang sandali ay unti-unti na iyong nawawala. Hanggang sa tuluyan nang napayapang muli ang kanyang sarili.
Ilang sandali pa siyang nanatili sa kama habang malalim na nag-iisip. Makalipas lamang ng ilang minuto, bumaba siya sa higaan at inayos ang sarili.
"May tumor ka sa utak, Miss Manases," pahayag ng half-spanish, half-filipino doctor na sumuri kay Tara.
Yanig si Tara. Hindi siya nakapagsalita agad. Umawang ang kanyang mga labi. Napatanga.
"Ikinalulungkot kong sabihin na may cancer ka sa utak. Kalat na ito dahil hindi mo agad ipinagamot. "
"No! Nagbibiro ka lang, dok. Tell me that this is just a joke!!" naghihiterikal na sabi niya.
Padabog siyang tumayo mula sa kinauupuang silya ng opisinang iyon ng hospital. Mangiyak-ngiyak na tinitigan niya ang doktor.
"I don't believe you!!" mariing wika niya.
"Hindi maaaring magkamali ang nakita ko sa resulta ng pagsusuri ko sa iyo, iha. You have a brain tumor."
Tuluyan nang napaiyak si Tara. Unti-unting napaupo siya. Napahagulhol siya ng iyak.
May cancer siya at idinagdag pa ng doktor na her life span ay hindi na magtatagal dahil kumalat na ang cancer cells sa utak niya. Bakit siya pa ang dinapuan ng malupit na karamdamang ito? Bakit siya pa?
"My God!"
Naaawang pinagmasdan ng doktor si Tara. Wala naman siyang magawa dahil iyon ang resulta ng series of tests na ginawa dito.
Nilunod ni Tara ang sarili sa alak pagdating niya sa tinutuluyang hotel. Halos doble na ang tingin niya ay sige pa rin siya sa pag-inom.
"Hindi ako pwedeng mamatay! Kalokohan lamang ang sinabing iyon ng doktor! Hindi ako naniniwala....!!!!" nanlilisik ang mga mata ni Tara at mahigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng alak.
Marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay kaya hindi maaaring mamamatay siya dito sa Paris, walang oras na hindi niya naaalala si Bryan ang kanyang asawa. Labis siyang nagtataka sa sarili kung bakit kinasasabikan niya na makita muli ang dati kinasusuklaman niyang lalaki.
Dito sa Paris, wala siyang ibang ginawa kundi ang magliwaliw at maglakwatsa. Umiinom kasama ang mga kaibigang puti at magdisco. Sa mga ginagawa niya ay masaya siya at pakiramdam niya ay malayang-malaya siya. Pero may kulang. Ngayon alam na niya. Si Bryan.
Hindi siya dapat mamatay. Kailangan niyang mabuhay para sa asawa niya. Gusto niyang itama ang lahat ng mali niya. Pagbalik niya ng Pilipinas gusto niyang gawin ang lahat para mapatawad siya ni Bryan. Tuturuan niya itong mahalin siya ulit gaya noong nasa kolehiyo pa sila.
"Ahhhhh!!!" ibinalibag niya sa dingding ang hawak na baso ng alak. Pagkatapos ay parang nauupos na kandilang nagpadausdos paupo sa sahig. Mistula siyang sisiw na iniwan ng inahin. Awa at galit sa sarili ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Nagpatuloy siya sa tahimik na pagluha.
***votes and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...