"CHAPTER 7"

9.1K 219 3
                                    

     Ligtas na si Tara sa peligro ng dumating si Lara sa hospital na pinagdalhan ng mga sumaklolo sa kanyang kapatid. Nasa pribadong silid na ito nang dumating siya ngunit hindi pa rin nagkakamalay. Pero ayon sa doktor na umasikaso sa kanyang kakambal ay okay na ito at magkakamalay din mayamaya.

     Napag-alaman din niya kanina sa mga doktor na hindi nag-iisa si Tara nang maaksidente. Kasama nito sa loob ng kotse ang asawa nito. Pero hindi ito ang gumulat sa kanya kundi ang katotohanang natuklasan niya sa kalagayan ni Bryan Del Rico.

     Ligtas na si Bryan at nailipat na rin ito sa isang maayos na silid katabi lamang ng kinaroroonan ng kanyang kakambal. At kanina ng puntahan niya ito sa kabilang silid ay hindi niya naiwasan ang hindi makadama ng paghanga.

     Bryan is very handsome.  Hindi maikakaila na matangkad ito. Inisip niya kanina habang pinagmamasdan ang walang malay na lalaki . Why, Tara can’t fall inlove with Bryan? Ano pa ba ang hinahanap ng kakambal niya?

     At ang higit na nakakapagpagulo ng isip ni Lara ay kung paano kaya tatanggapin ni Bryan ang katotohanan sa kalagayan nito? Ayon sa doctor na kinausap niya kanina na nagsagawa ng ilang test sa lalaki ay matatagalan bago ito muling makalakad. Nang maipit ang mga paa nito sa sasakyan ay may nabaling buto sa kaliwa nitong paa. Maselan ang operasyong gagawin para makalakad ito ulit. At kailangan pa pag-aralan nang maigi bago isagawa ang operasyon.

     Napabuntong-hininga si Lara matapos maalala ang pinag-usapan nila ng doctor ni Bryan Del Rico.

     “Anong sabi ng doktor?” nag-aalalang tanong ni Mrs. Dalyn Del Rico kay Dr. Ian, ang doktor na sumuri kay Bryan.

     Naroon silang lahat sa silid ni Bryan.Halos sabay silang lahat dumating, ang mga magulang ni Tara at mga magulang ni Bryan.

     Hindi nakaligtas sa matalas na mga mata ni Lara ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng mga magulang ni Bryan Del Rico.

     Sa unang kita ay inakala marahil ng mga magulang nito na siya si Tara. Pero ng maalala nito ang buong  mga pangyayari ay saka lang ngumiti ang mga ito sa kanya.

     “Ikinalulungkot ko po na ulitin sa inyo ang kalagayan ng inyong anak Mr. & Mrs. Del Rico.” sabi ni Dr. Ian na nagpalipat-lipat ang tingin sa mga magulang ni Bryan. “Malubha ang pagkakaipit ng mga paa ng anak niyo sa kotse  na naging sanhi ng pagkabali ng buto sa kaliwa niyang paa.”

     “Gawin niyo po ang lahat para malakad ang anak namin doktor” mariin at makapangyarihang sabi ni Mr. Del Rico. “Kung kinakailangang operahan ay gawin niyo agad. Magbabayad kami kahit magkano, makalakad lang siya ulit.” dagdag nito.

     “Masuring pag-aaral ang kailangang gawin bago po isagawa ang ano mang operasyon sa kanya dahil medyo maselan ang kanyang kalagayan. At para naman sa mabilis na recovery we need patient cooperation” sagot ni Dr. Ian.

     Sinulyapan ni Lara si Bryan. Nakikinita niya ang magiging reaction nito sa sandaling malaman nito ang kalagayan.

     Muling binalot ng awa ang puso ni Lara. Kahit paano mas masuwerte ang kanyang kakambal. Wala itong gaanong pinsala maliban sa malaking sugat sa noo at ilang galos at mga pasa sa braso’t paa.

     Nang magpaalam ang doktor ay mangiyak-ngiyak na nilapitan ni Mrs. Del Rico ang anak na wala pa ring malay.

     “Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, hindi ko nalang sila pinilit ni Tara na sa bahay mananghalian Alex,” hinagod hagod ng ginang ang buhok ng anak.

     “It’s an accident Dalyn, walang dapat sisihin,” tugon naman ni Mr. Alex Del Rico na humakbang palapit sa kinahihigaan ni Bryan. “Magpasalamat nalang tayo na ligtas silang dalawa,” dagdag pa nito.

     “Si Tara nga pala kamusta?” baling ni Mrs. Del Rico sa mag-asawang Danny at Luisa Manases.

     “Hindi pa nagkakamalay si Tara, pero ayon sa doktor ligtas na siya,” tugon naman ni Mr. Danny Manases.

     “Mabuti naman kung ganun,” sagot ni Mrs. Del Rico na napatingin sa kinaroroonan ni Lara. “Ikaw si Lara, hindi ba? Identical nga talaga kayo ni Tara.”bahagyang nakangiti na turan pa ng ginang.

     “Opo, tita Dalyn,” nahihiyang tugon ni Lara.

     Napabuntong-hininga si Mrs. Dalyn Del Rico at iiling-iling na ibinalik ang tingin sa anak.

     “Natitiyak ko na magwawala si Bryan kapag nagising at malaman ang kalagayan,” nginig ang tinig ng ginang.

     “I’m sure sa simula lang Dalyn,” pampalubag-loob ng asawa nito. “Makakalakad pa siya ulit.”

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon