"Sa resthouse sa Davao?", nanlalaki ang mga matang napatingin si Lara sa mukha ni Bryan.
Magkatabi silang nakaupo sa likod ng sasakyan. Mula sa hospital ay sinabi niya sa driver na nasa bahay sila agad tutuloy na tinutulan agad ni Bryan.
"Alam na nina mama na doon ang tuloy natin pagkalabas natin ng hospital," sabi nito.
"P-pero..."
"Wala ng pero pero! Doon ko gustong pumunta kaya huwag ka magreklamo, dahil di kita pagbibigyan! Do you understand me?" mariing wika ni Bryan sa kanya.
Bigla siyang nawalan ng imik. Napayuko siya. Ang kabog ng dibdib niya ay palakas ng palakas na naman. May takot siyang nararamdaman sa pagpayag niyang sumama sa resthouse nito sa Davao.
"Malayo ba iyon?" hindi niya maiwasang itanong sa lalaki nang lingunin niya itong muli.
"Tatlong oras at kalahati ang byahe mula dito. Nakalimutan mo na rin pati ba iyon, Tara? Four times ka nang pumunta doon. Pero kung umarte ka, parang first time mo pa lang." saka pagak na tumawa si Bryan.
"Forget about it, Bryan, di ko lang talaga naalala." sagot niya.
Pagkatapos di na siya umimik. Minabuti niya na lang na ibaling ang tingin sa tanawin sa labas ng bintana ng kotse. Pero patuloy pa rin na lumilipad ang kanyang isip.
Hindi lang pagpapanggap bilang si Tara ang gagawin niya sa pagpayag niyang ito sa kagustuhan ng kakambal niya. Paano kung einsist ni Bryan na magsasama sila sa iisang kwarto? Kahit pa sinabi ni Tara na magkaiba sila ng silid. What if nagbago na ang isip ng lalaking ito at bilang paghihiganti sa sinasabi nitong kasalanan ng kapatid niya ay pilitin siyang magsama sila bilang normal na mag-asawa? Sa isiping iyon ipinagtataka ni Lara kung bakit sa halip na takot ang mararamdaman ay para bang kinilig pa siya. May kakaibang boltahe ng kuryente ang nananalantay sa kanyang kalamnan.
"Diyos ko po! Hindi ito tama!" napapikit siya ng mariin. May mga manliligaw siya. Marami. Pero hindi pa niya nabigyang-laya ang sinuman sa mga ito na hawakan siya. Paano kung kay Bryan di siya makakatanggi dahil asawa ang maging rule niya?
Bahagya niyang sinulyapan si Bryan na nasa labas rin pala nakatingin. Walang kaalam-alam ang lalaki na labis na siyang nalilito sa samu't saring ideya na lumilitaw sa utak niya.
She need to be careful kung ayaw niyang mabuko ng maaga. Pero natatakot siya dahil habang tumatagal pakiramdam niya nahuhulog ang loob niya sa lalaki kahit pa nga suplado ito sa kanya.
Nanatili ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa destinasyon. May lumitaw na kalsada sa pagitan ng mga punong durian. Doon lumiko ang kotseng sinasakyan nila. Medyo baku-bako ang kalsada patungo sa isang malaking parang bahay-kubo.
Isang tradisyunal na bahay-kubo na gawa sa semento ang sahig at ang apat na poste ng bahay. Ang dingding ay gawa sa coconut lumber, pawid ang bubong at gawa sa rattan ang mga upuan at mesa.

BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomansTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...