"CHAPTER 8"

9.3K 214 8
                                    

   “What did you say, Pa?” malat ang tinig pero naroon ang tigas ng pagsasalita ni Bryan. “Paanong hindi ako makakalakad? You’re just kidding me, right ,Pa?” hindi maipinta ang mukha niya ng mapasulyap si Bryan sa mga paang nababalutan ng benda.

     Nagkatinginan sina Mrs. Dalyn Del Rio at Alex Del Rio.

     “You heard it right, son. Iyon ang sabi ng doktor na sumuri sa iyo.” anang Papa niya.

     “Don’t worry anak. Makakalakad ka naman daw ulit. Kaunting tiis lang.” saad naman ng mama niya.

     “Maging inutil ako? Can’t be!! Hindi ako papayag!!! ”histirikal na sigaw niya at pinilit niyang igalaw ang mga paa. “Ahh!!!!!” napangiwi siya sa sakit nang biglang sumigid ang kirot sa kanyang mga paa.

     “Bryan! Calm down, please...” tarantang hinawakan siya ng kanyang ina. “Don’t force yourself kung di mo pa kaya. Saka masama pa ang igalaw mo yan. Baka lalong matagalan bago ka makalakad ulit.”

     “Ayokong maging inutil, mama!!” naluluhang sabi ni Bryan. Sa halip na makinig sa mga magulang ay lalo pa siyang nagwala. Napilitan tuloy ang mga magulang niya na tumawag ng doctor para maturukan siya ng pampakalma.

     Agad naman dumating ang mga doktor at tinurukan siya. Habang unti-unti siyang nanghihina at inaantok, ang mukha ni Tara ang nakikita niya. Lalo siyang nagalit sa asawa. Kung hindi dahil dito di siya nasa hospital ngayon. Kasalanan ni Tara ang lahat. Magbabayad ito sa kanya. Hanggang sa nakatulog siya iyon ang laman ng isip niya.

       “ Kumusta ang pakiramdam mo, Tara?” tanong ni Lara sa kakambal ng magising ito. Umuwi lang siya sandali kanina para maligo. Dumaan na rin siya sa opisina niya bago siya nagtuloy sa silid ni Tara.

     Nang magbalik siya kapwa na nagkamalay sina Bryan at Tara. Pero si Bryan ay pinatulog ulit dahil nagwala ito ng magising at malaman ang kalagayan.

     Silang dalawa lamang ni Tara ang nasa loob ng silid. Nagpaalam na uuwi na rin muna ang mga magulang nila at mamaya pa ang balik ng mga ito.

     “Okay na ang pakiramdam ko maliban sa pagkirot ng sugat ko sa noo.”

     “A-ang tungkol sa kalagayan ng asawa mo, alam mo na ba?” alanganing tanong ni Lara.

     Bahagyang tumango si Tara.

     “ Your husband needs you, Tara. Sa kalagayan niya ngayon ay kailangan niya ng pang-unawa at pag-aaruga na mula sayo,” sabi niya sa kapatid.

     Matiim siyang tinitigan nito. Nakaupo ito sa gilid ng higaan.

     “Don’t think that i change my mind, Lara. Hindi  maging dahilan ang aksidenting ito para kalimutan ko ang pakiusap ko sa iyo. Ngayon ko kailangan ang tulong mo. Magpapanggap ka pa rin bilang ako kay Bryan.”

     Hindi makapaniwala si Lara sa narinig. “Tara, anong klaseng asawa ka? Ikaw ang asawa niya kaya ikaw dapat ang nasa tabi niya!”

     “Ayaw ko mag-alaga sa isang inutil, Lara!” mariing tugon nito.

     Gimbal si Lara. Gusto niyang magalit sa kapatid.

     “ Magpapalipas lamang tayo ng ilang araw at kapag kaya ko nang bumeyahe patungong states ay magpapalit na tayo ng position. Gawin mo lang kapani-paniwala ang pag-arte mo para wala silang mahalata na isa kang impostor, Lara.” pagpapatuloy nito.

     “Pati ba mga galos at pasa mo gagayahin ko rin? Ano ka ba naman, Tara! Maawa ka naman sa asawa mo!” saad niya nang makabawi sa pagkabigla.

     “If he only agree with me na makipaghiwalay sa akin. Di sana kami na aksidente at  sana di mo rin kailangan gawin ito, Lara. He’s so stubborn and this is all his fault!!!!”

     Napailing nalang si Lara. Unang kita palang niya kay Bryan ay naisipan niya na, na tanggapin ang pakiusap ng kapatid. Hindi niya alam pero awang-awa siya sa lalaki. At hindi lang iyon, may kung anong damdamin na biglang napukaw ng lalaki sa puso niya. Napakaamo ng mukha nito, na para bang kaysarap haplusin. Muling ipinilig ni Lara ang ulo sa mga naisip.

     “Please, Lara... Sana huwag ka nang tumanggi.” pakiusap ng kapatid.

     Napatitig siya sa mukha ng kapatid. Nasa mga mata nito ang pakiusap. Napabuntong-hininga siya.

     “What will happen next, Tara? Paano tayo magpapalit ng katauhan?” tanong niya.

     Bahagyang napangiti si Tara. “It’s just simple, Lara. Palalabasin natin sa lahat pati sa mga magulang  natin at kakilala na pupunta ka sa ibang bansa. Ang hospital mo pwede mo naman ipagkatiwala sandali sa kaibigan mo na si Rogelyn. Pagkatapos, ako ang aalis at ikaw ang uuwi sa bahay namin ni Bryan. Tayong dalawa lang ang dapat makakaalam nito Lara.  Para safe.”

     Napalunok siya. Hindi niya maiwasang kabahan sa katotohanang ang gagampanan niyang papel ay bilang asawa ni Bryan Del Rico. Makayanan kaya niya kung sakali? Lihim niyang pinagalitan ang sarili.

     “Bahala na,” bulong niya sa sarili.

     Pagkalipas lamang ng ilang araw ay nakabawi na ng lakas si Tara. Unti-unti na rin nawawala ang mga pasa nito sa katawan, pero ang sugat sa noo ay hindi pa rin gaanong magaling. Kahit minsan hindi nito dinalaw ang asawa sa kabilang silid.

     Sa tuwing sasabihan siya ng kanyang mga magulang na dalawin at kamustahin si Bryan ay lagi siyang nagdadahilan. Pinaniniwalaan naman ng mga ito ang pagkukunwari niya.

     Nang dumalaw naman sa kanila ang mga kapatid ni Bryan ay tulog siya kaya hindi niya nakausap ang mga ito. Pero okay lang iyon kasi iyon naman talaga ang gusto niya.

     Kinabukasan na ang labas nina Byan at Tara sa hospital. Ayon kay Dr. Ian, sa bahay na magpapagaling si Bryan pero patuloy pa rin ang pagsusuring gagawin sa mga paa nito para sa isasagawang surgery.

     Sa araw na iyo din magpapalit ng katauhan sina Tara at Lara. Si Tara ang magtutungo sa ibang bansa sa araw na iyon. At si Lara naman ang sasama sa bahay ni Bryan.

*** votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon