Limang buwan na ang nakakalipas buhat ng malaman ni Bryan ang buong katotohanan tungkol sa asawa at kapatid nitong si Lara. Ngunit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan.
Hindi lang siya ang nagimbal sa nalaman, kundi maging ang mga magulang ng magkapatid at mga magulang niya. Noong una nagalit ang mga ito sa dalawa pero sa huli ay natanggap na rin nila. Noon din siya nagkaroon ng lakas ng loob para aminin ang totoong estado ng pagsasama nila ni Tara . Naintindihan naman ng mga ito.
Napabuntong-hininga si Bryan. May awang hinaplos niya ang buhok ni Tara. Tulog ito. At habang tumatagal ay lalong bumabagsak ang katawan nito. Palagi na rin itong inaatake ng labis na pananakit ng ulo.
"Bryan..." paos na sabi ni Tara na nagising sa ginagawa niyang paghaplos sa buhok nito.
"T-tara... Gising ka na pala." Nataranta siyang bigla. "Okay ka lang ba? Nagugutom ka na? Kamusta ang pakiramdam mo?"sunod-sunod na tanong niya. Nanatili siyang nakaupo sa tabi nito.
Dahan-dahang umiling ang babae. "N-napakasaya ko dahil napatawad mo na ako. Masaya ako dahil kasama kita ngayon. P-pero alam ko na hindi mo na nagawang ibalik ang pagmamahal mo sa akin noon."
"Tara, huwag ka ng masyadong magsalita.Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo at-"
Agad na inilapat ni Tara ang isang daliri nito sa mga labi niya para patigilin siya sa pagsasalita. "Bryan, don't worry. I do understand. Alam ko at nararamdaman ko na si Lara na ang nagmamay-ari ng puso mo. I can't blame you. Di mahirap mahalin ang kakambal ko. She is my exact opposite kahit pa sabihing magkamukha kami mula ulo hanggang paa. " nakangiti si Tara habang nagsasalita.
Natahimik ai Bryan. Tama si Tara. Noong malaman niya ang katotohanan at bumalik ang totoong Tara sa buhay niya, narealized niyang hindi na si Tara ang nagmamay-ari ng puso niya. May pagkakataong gusto niyang hanapin si Lara. Pero mali, dahil si Tara ang kanyang asawa. Nasaan na kaya si Lara? Ang katanungang laging laman ng utak niya. Pakiramdam nga niya nagkakaroon siya ng malaking kasalanan kay Tara.
"B-bryan, k-kapag wala na ako...please hanapin mo si Lara. Binibigay ko ang bendisyon ko sa inyong dalawa. Mahalin mo siya at alagaan."
"Tara, huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka pa mamamatay. Mahal mo ako di ba? Magsasama pa tayo ng matagal." Ginagap niya ang palad ng asawa at pinisil para ipaabot dito na nasa tabi siya nito ano man ang mangyari.
Sunod-sunod na umiling si Tara. "Nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal. At napapagod na ako Bryan."
Hindi siya kumibo. Masakit sa kanya na mawala si Tara ng ganon sa buhay niya. Kahit papaano minahal din niya ito. Kahit pa sabihing si Lara na ang nagmamay-ari ng puso niya ngayon, pero sa isang maliit na sulok nito nandoon pa rin si Tara.
Pagkalipas pa ng dalawang buwan ay binawian na ng buhay si Tara. Sa burol ng asawa ay hindi umaalis si Bryan sa tabi ng ataul nito. Nais niya na sa nalalabing araw na makapiling nila ito ay maiparamdam niya ang pagkakaroon ng halaga ni Tara sa buhay niya.
Marami ang dumating para makiramay. Naroon ang mga magulang niya at mga magulang ng kambal. Dumating din ang mga kamag-anak ni Tara mula sa ibang lugar. Iisang tao lang ang hinihintay niya na dumating at makita sa burol ng asawa niya. Si Lara.
Gusto sana niyang itanong sa mga biyenan pero nahihiya siya baka mamis interpret ng mga ito. Kaya pinili na lang niyang manahimik.
Napailing siya. Bakit hindi manlang magawa ni Lara na silipin ang kapatid nito kahit noong nakaratay pa ito sa hospital. Ang huling araw na nakita niya si Lara ay noong ipinagtapat nito ang buong katotohanan. Pagkatapos noon hindi na ito nagpakita kahit minsan. Kahit hanggang ngayon na nasa kabaong na si Tara hindi man lang ito nagpakita para tingnan ang kakambal.
Sa araw ng libing ni Tara ay mas lalong dumami ang nakiramay. Pagkatapos ng libing ay isa-isa nang nagsialisan ang mga tao. Ang pamilya niya at ni Tara ay nauna na sa bahay para asikasuhin ang iba pang mga kamag-anak na dumating.
Naiwan si Bryan sa harap ng puntod ng asawa. Nagtagal pa siya doon habang pinagmamasdan ang puntod. Hanggang ipinasya na niyang umuwi. Humakbang na siya palabas ng libingan. Tinungo ang kanyang kotse sa di kalayuan at sumakay.
Samantala, lingid sa kaalaman ng lahat ay naroon si Lara na nagtatago sa isang malaking puno na hindi kalayuan sa puntod ng kanyang kakambal. Naroon siya simula pa nang mag-umpisa ang seremonya. Hindi lang siya nagpakita sa mga tao lalo na kay Bryan. Malaki na kasi ang kanyang tiyan. Sa susunod na buwan na ang kanyang kabuwanan.
Nang matiyak niya na nakaalis na ang lahat ay saka lamang siya lumabas sa pinagkukublihan. Humakbang siya sa puntod.
Nang makalapit ay napaluhod siya sa harap niyon. Hindi na niya napigilan ang pagluha.
"T-tara, i'm sorry na ngayon lang ako nagpakita. Sorry na hindi kita magawang dalawin habang nakaratay ka. Ayaw kong guluhin ang mga nalalabing araw na makasama mo si Bryan. Natatakot kasi ako. Hindi ko alam kung paano harapin ang mga tao sa kalagayan kong ito." luhaang kausap niya sa puntod ng kakambal.
Hinimas niya ang kanyang malaking tiyan. "Tara, malapit na lalabas ang pamangkin mo. Sorry sa lahat... Hindi ako nagpakita sa iyo dahil l-lumayo ako sandali para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Sakit sa napipintong pagkawala mo at sa pagkawala ng lalaking unang minahal ko. Akala ko kapag hindi ako nagpakita magagawa kong kalimutan ang lahat. Hindi pala."
"Dahil daladala ko ang alaala ng kasalanan ko sa iyo. Ang alaala ng lalaking mahal ko. Tara, hindi ako galit sa iyo. Ang totoo galit ako sa sarili ko. Pero salamat dahil hindi ka nagalit sa akin. Sa halip sinabi mo pang naintindihan mo ako. Iyon lagi iniisip ko para magawa kong patawarin ang sarili ko. Ibinalik ko si Bryan sa iyo dahil alam ko na wala akong karapatan na angkinin siya."
Umiyak ng umiyak si Lara.
"Tara, kung nasaan ka man ngayon, sana tahimik ka na. Sana masaya ka na."
Mula sa pagkakaluhod ay tumayo siya at pinahid ang mga luha sa mga mata. Ilang sandali pa ay humakbang na siya palayo sa lugar na iyon.
***votes and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Impostor"
RomanceTara and Lara are identical twin. Bryan is Tara's husband. Nais ni Tara na magpanggap si Lara bilang siya at maging asawa ni Bryan upang malaya siyang makaalis ng bansa. Nang masilayan ni Lara ang guapong mukha ni Bryan sa ospital ay tinanggap niya...