Although kinausap niya ako, si Yumi pa rin ang naalala niya sa huli. Siguro nga nakalimutan niya ako... Siguro nga sinadya niyang kalimutan ako. It will be easier for him to forget about me if he would pretend like he doesn't know me.
Pero kapag kinakausap ko siya, kapag nakikita kong nakatingin siya sa akin, bumabalik at bumabalik pa rin ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko alam kung ito na ang katapusan ng relationship naming dalawa... pero siguro nga, ganito ang buhay.
Pero engaged na kami, hindi ba? It was not a joke. Ang bigat pa rin sa kalooban ko kung aalisin ko yung star-shaped na singsing na ibinigay niya sa akin. I guess I will wait till I see him marry that girl. Siguro, sa point lang na iyon, kaya ko nang alisin ito sa daliri ko.
I really love him. I love him.
Hinatid ako ni MR hanggang sa bahay namin. Nakangiti siya sa akin. Alam kong binibigyan niya lang ako ng lakas ng loob, pero deep inside his heart, he also wants to give up.
"Salamat ah," sabi ko sa kanya sabay ngiti ng kaunti.
"You're always welcome."
Papasok na sana ako sa bahay pero tinawag niya ako bigla.
"LARAH!"
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"I know you want to cry. Just do it."
"Gusto ko..." sabi ko sa kanya, "pero wala ng mailabas itong mga mata ko!" pabiro ko ring sinabi.
Tumawa siya at nilapitan niya ako. Niyakap niya ako at medyo gumaang ang pakiramdam ko. I'm so lucky to have a bestfriend like him. But I'm sorry kung hindi ko maibibigay yung love na hinihingi niya sa akin. But still, he understands me.
Kinabukasan, pagpasok ko sa school, nakita ko si Luigi kasama ni Yumi. Nakangiti si Yumi sa kanya pero siya naman malayo ang tingin at dala-dala niya yung bag ni Yumi. Tiningnan ko lang silang dalawa at hindi ako nagpakita. Biglang hinawakan ni Yumi yung kamay ni Luigi... Huminto sila ng paglalakad at tumingin si Luigi sa kanya. Binitawan niya yung kamay ni Yumi at nagpatuloy sa paglalakad. Ano na naman bang problema niya?!
"He's not sweet," sabi ni Yumi sa akin habang wala pang klase. "He always ignores me. Whatever I say is okay but when it comes to our marriage, he disagrees with my plans!"
"I guess... he's just a bit nervous..." sabi ko na lang.
"No. He doesn't even say I love you."
"Ow, maybe he's a shy-type person."
"No. I think there's something I should know."
"Like what?"
"I think he has someone he really... likes."
Imposible.
Nang nasa canteen kami, dumating si MR kasama si Luigi at mukhang magkasundong-magkasundo sila. Nagtatawanan silang umupo sa tabi namin ni Yumi. Nakasimangot naman si Yumi at kahit anong sabihin ni Luigi, wala siyang pakialam. Parang wala siyang naririnig.
"Yumi, what do you think?" tanong ni Luigi sa kanya.
Hindi siya pinapansin ni Yumi at nakatingin lang siya sa malayo.
