CHAPTER 19: WISHES

9 0 0
                                    

Sa wakas, bati na si Luigi at MR.  Ano kayang nangyari sa mundo at nakipagkasundo si MR?  Maybe, he still wants to be my best friend.  Walang bakit bakit!  Basta ang mahalaga, bati na silang dalawa at payapa na ang mundo naming tatlo.  Pwede ko na siyang batiin sa school kahit anong oras...  Hay, ang saya-saya naman!

"Luigi, grabe...  Di ko akalaing mangyayari ang lahat ng ito," sabi ko sa kanya habang nasa labas kami ng bahay.

"Well, ako rin.  MR...  Kahit papaano mabait pa rin siya."

"Tama ka.  Hay, New Year na nga talaga.  Bagong buhay na tayong lahat.  Let's begin our journey.  Ga-graduate na lang tayo at magkakahiwa-hiwalay na.  Mami-miss ko talaga to!"

Lumapit siya sa akin at iginitna niya ako sa dalawang kamay niya.

"Magka-college na tayo...  May naiisip ka na ba sa future?  Kung anong gusto mong maging?"

"Ang totoo... hindi pa.  Baka mag-business management na lang ako.  Pangarap ko yun eh."

"Ako mayroon na."

"Ano naman?"

"I want to be a perfect..." ngumiti siya, "perfect husband for you."

"Husband?!" sagot ko na lang.

"Masyado bang mataas ang pangarap ko, huh?"

"Luigi naman..."

"Kung magpropose kaya ako sa iyo ngayon, sasagutin mo kaya ako?"

"Haha!  Nagpatawa ka.  Sorry, pero wala pa sa isip ko yang engagement or marriage.  Mga 29 years old ako magpapakasal..."

"18 ka pa lang...  And I'm 19.  9 years pa akong maghihintay.  Matagal-tagal din yun ah."

"Edi kayanin mo!"

"Basta para sa iyo."

Nagtawanan lang kaming dalawa and after 6 days, magnu-New Year na.  Nothing's changed.

Si Luigi... MR... mga friends ko...  si Lola...

Since normal na ang lahat, pwede ko nang kausapin ang aking bestfriend.  Kinuha ko yung cell phone ko at idinial ang number niya.

"Bes," sagot niya.  "Bakit napatawag ka?"

"Uhm, kailangan namin ni Lola ang tulong mo.  Para sa New Year's Eve...  Excited na ako!"

"Hay.  O, sige, I'll check my schedule kung pwede ako..."

"Huh?  Busy?  May appointment ka?"

"Always."

"Sige, pero sana talaga matulungan mo kami."

"Si Luigi?  Bakit hindi na lang siya ang hingan mo ng tulong?"

"Involved na siya.  Tsaka pupunta yun kahit di ko sabihin.  Ikaw na lang ang kulang..."

"Okay.  I'll try."

Back to normal na ang lahat!!!  Ang saya-saya... Free!  Parang wala na akong kaaway.  Ang sarap naman ng ganitong feeling.

Maya-maya, dumating si Luigi na may dalang mga decoration.  Active talaga siya.

"Eto...  Iyan ang ipang-decorate mo dahil binili ko iyan para sa iyo," bulong niya sa tainga ko.

"Basta akong bahala sa cakes!  Chocolates!" sigaw ko naman sa tainga niya.

"Gagawa mo ako?"

"Gagawan ko... KAYONG LAHAT!"

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon