INTRODUCTION
Fajano? Tama ba yung rinig ko? Fajano?
Hahaha. Nakakatawa ka naman Larah. Di nga siya ang pinili mo, hindi ba?
Unti-unti kong hinawakan yung doorknob nung door at kabado pa rin ako...
Marami namang Fajano sa mundo. Baka yung pinsan niya, kamag-anak niya, kaapelyido niya... o kaya naman yung... anak niya...
Nang mabanggit ng isip ko yung words na "anak niya", huminto na naman ang ikot ng mundo ko... My tears flowed ...
CHAPTER ONE: SEATMATE
Bago lang ako sa school na ito. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari. Mahirap na ang magsalita. Nakakakaba. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko. Sayang naman kasi kung hindi ko gagamitin yung scholarship na ibinigay sa akin ng Jocson University.
Ga-graduate na lang ako ng high school, nag-transfer pa ako. Hay...
Sa bagay, kahit saan naman ako mag-aral... basta pinagbubuti ko lang, makakagraduate din ako ng college. After ng high school, dito ko na ipagpapatuloy ang college. Yun ang rule nila sa scholarship.
"Charlotte!" tawag sa akin ng Lola Precy ko. Siya ang kasama ko sa bahay mula noong nawala ang mama ko. Kaming dalawa na lang ang nagtutulungan para makapagtapos ako ng pag-aaral. Suwerte ko na lang din kasi nakakuha pa ako ng scholarship.
"Nandyan na po," sagot ko. Palagi niyang sinasabi sa akin na dapat may paggalang sa isa't isa. Siya rin ang nagturo sa aking bumasa ng Bible.
"Bilisan mo! Baka ma-late ka!" tawag niya sa akin habang nananahi siya ng palda ko.
Kinuha ko yung bag ko at tumakbo papunta sa kusina. Kinuha ko yung baon kong pandesal at inilagay ko sa loob ng bag ko. Binuksan ko yung refrigerator at kinuha yung tubig ko.
"Bye, Lola!" sabi ko sa kanya sabay halik sa ulo niya.
"Mag-iingat ka! Pagbutihin ang pag-aaral."
"Opo."
Lumabas na ako sa bahay namin at sinara ko yung gate. Tumingin ako sa may bintana at nakasilip siya at kumakaway.
Kumaway naman ako sa kanya at nag-flying kiss!
Naglakad na ako hanggang sa makarating sa sakayan ng bus. Medyo malayu-layo ang papasukan ko. Hay...
Kung pwede lang lakarin yung school, gagawin ko para hindi ko na magastos yung pera ko.
Sa wakas, dumating na rin yung bus at pumasok ako sa loob. Umupo ako sa may unahan at umupo ng maayos. Tumingin-tingin ako sa mga tao sa loob. Alam na, baka mamaya may masasamang loob pala rito.
Mabilis naman yung biyahe kaya maaga akong nakarating sa school.
"Jocson University!" sigaw nung konduktor.
Bumaba ako ng bus at nakita ko yung kabuuan ng Jocson University. Ang laki-laki...
Pumasok ako sa loob at ang laki ng parking lot. Ang daming naka-park na kotse. Ang dami ring estudyante. Yung iba simpleng manamit, yung iba naman... sobrang iksi ng skirts... yung iba, astig pumorma. Nakaheadset pa nga yung iba.
