Natapos yung recess namin na para bang ang bilis bilis ng oras! Hindi ako nakakain ng maayos dahil kinakausap ako ni Terrence habang kumakain. Pero, medyo nasiyahan naman ako sa mga kinuwento niya sa akin. Katatawanan... Puro mga kalokohan!
Habang papasok na kami sa classroom namin, kinabahan na ako bigla. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?! Kanina... unconscious ako... ngayon naman... wild!
"So, Charlotte, good luck sa iyo!" sabi niya sa akin sabay takbo sa loob ng classroom namin.
Napakamot ako ng ulo at may natamaan pala ako!
"AYY! SORRY TALAGA!" sigaw ko sabay harap sa likod ko.
Nabigla ulit ako nang siya yung makita ko. Tinakpan ko kaagad yung bibig ko para hindi na ako makapagsalita.
"What the hell?!" sabi niya. Nagtinginan lahat sa amin yung mga students. Tingin ko... pati na rin yung mga teachers.
"Ehh... Sorry talaga."
"Sh*t!" bigla niyang sinabi sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Anong sinabi mo?!" sabi ko sa kanya... Timping-timpi na ako noon.
Galit na siya, alam ko yun. At gusto kong ilabas niya pa yung galit niya. That's better.
"Umalis ka na lang sa dadaanan ko."
"Sabihin mo ulit yung sinabi mo... kung hindi..."
"Kung hindi, ano? Anong gagawin mo?! Magpupunta ka sa Guidance Office at isusumbong ako para ma-suspend ako sa school?!"
"OO!"
"Walang kwenta."
Binangga niya ako at pumasok na sa classroom namin. Tumingin ako sa paligid ko at ang daming nakatingin sa akin.
^_^
Maya-maya, pumasok na rin ako sa loob ng classroom namin.
EH! TEKA! Bakit nakaupo pa rin siya sa kinauupuan niya?! Niloloko niya ba ako?! Pwes, hindi ako nakikipaglokohan dito. Seryoso ako!!!
Teka, parang mali naman yata tong gagawin ko. Nakaupo lang siya at hindi niya na naman ako inaano...
Eh kung tumayo na lang ako dito sa kinatatayuan ko ngayon?!
ERRRRRRR!!!
"Sit."
May nagsabi sa akin nun. At napatingin ako sa kanya...
Sinunod ko na lang din siya. Umupo ako ng maayos at tumingin na lang sa labas ng bintana. Mas magandang tingnan kaysa sa itsura ng loko na to!
MALI. Hindi dapat ako nagsasalita ng masama sa aking kapwa. That's... unfair.
"So, what's your name?" bigla niyang tinanong sa akin. Ano naman kayang binabalak nito?!
"... Ahh... Charlotte."
"Bakit dito ka nag-aral?" tanong niya ulit sa akin.
"Scholar ako dito."
"So, kilala mo ba kung sino ang may-ari nitong school na pinapasukan mo?"
I can quit if you want me to. Sabi ko sa sarili ko.
"Oo. Tita mo siya, hindi ba?" sagot ko naman sa kanya. Matapang ang dating.
"Ahh, akala ko hindi mo alam. You're funny."
