Ang bilis naman ng araw. Wednesday na kaagad. Hay… Ang lungkot naman, wala na naman si Terrence. Kinuha ko yung cell phone ko bago pumasok sa gate ng school. Sakto, biglang nag-ring.
“Si Terrence…” banggit ko.
Pinindot ko yung answer at binati ko siya kaagad.
“Uy! Pasok ka ba today?”
“Male-late ako eh… Sobrang traffic.”
“Ahh. Sige. Buti naman at papasok ka na. Ang boring kaya dito! Wala man lang akong makausap.”
“Haha! Nabigay mo ba yung excuse letter?”
“Oo.”
“Sige, see you later! Bye!”
“Bye.”
Pumasok ako kaagad sa gate at pumunta sa Guidance Office. Kukuha ako ng Attendance sheet.
“Good morning po!” bati ko sa teacher sa loob.
“Good morning.”
“Kukuha lang po sana ako ng attendance sheet…”
“Sige.”
“Salamat po!” Tumalikod na kaagad ako nang pagkakuha ko. Pero tinawag ako ulit ng teacher.
“Sandali lang!”
“Ano po iyon?”
“Pakibigyan mo na rin tuloy yung nasa building ninyo.”
“Ahh, sige po.”
“Salamat, Hija!”
“Walang anuman po.”
Binigyan ko muna yung sa section namin. Inabot ko kay Justine, siya yung pinakatahimik kong kaklase. Tahimik maging sa recitation.
“Justine! Pakisabi sa first teacher natin na… magbibigay lang ako ng attendance sheet sa buong building.”
“Sige,” mahinhin niyang sagot. Nginitian ko lang siya.
Pagtalikod ko, nakatayo si Luigi. Nakasimangot siya sa akin.
“Why are you leaving?” tanong niya sa akin. Parang teacher naman to kung umarte.
“Magbibigay lang ako ng attendance sheet sa buong building natin.”
“Bakit ikaw? May naka-assign namang magpamigay niyan ah.”
“Inutusan ako nung teacher sa Guidance office…”
“Halika. Samahan na kita!” seryoso niyang sinabi.
“Ahh, hindi na. Kaya ko na ito!” sinabi ko with smiling face.
“Let’s go.”
Tumalikod siya kaagad kaya sinundan ko na lang siya. Bakit naman kaya ako napag-trip-an nitong samahan? Ano na naman kaya ang binabalak niya.
Umakyat kami ng hagdan. Sinundan ko ulit yung mga nilakaran niya. Tapos bigla siyang huminto.
“Reyez,” sabi niya sa akin. Tumingala lang ako at tinaas ko yung dalawang kilay ko.
Bumaba siya hanggang sa parehas na kami sa level ng hagdanan.
“They think we’re a couple…”
“Huh?” Tumingin-tingin ako sa paligid at tsaka ko sinabing, “Parang hindi naman.”
“You’re so… funny today. Anong nakain mo?”
“Mukha naman talaga akong katawa-tawa sa iyo palagi ah.”
