CHAPTER 14: DEFEATED

14 1 0
                                        

Naging maayos naman ang schedule ko sa tutorial at part-time job.  Oo, nakakapagod pero okay naman.  Hindi ko na ito magagawa kapag nandito na si Luigi.

Friday na.  Tomorrow na ang balik ni Luigi sa Philippines.  Nagbago na kaya siya?  Yung mabait na ba, o walang improvement.  Pero masaya ako dahil makikita ko na siya ulit.  Na-miss ko rin naman siya kahit papaano.

Inayos ko kaagad ang sarili ko, at nagpaalam kay Lola.  Pumasok ako sa school at... may nagbago...

Di ko alam kung ano iyon pero lahat ng tao nakatingin sa akin.  May dumi ba ako sa mukha?  Wala naman.

Kinabahan ako nang may biglang bumangga sa akin at napaupo ako.

"Aray!" sigaw ko naman.  Walang nagtangkang tumulong sa akin...  Tumayo ako nang dahan-dahan at pumasok na sa classroom namin.

Walang students.  Nasaan naman kaya yung mga classmates ko?  May pasok naman ngayon ah.

Inikot ko ang buong school.  Nakasalubong ko yung mga friends ko at nginitian ko sila pero hindi nila ako pinansin.

Gusto ko na talagang umiyak.  Bakit ganito sila sa akin ngayon?

Maya-maya, nagtawanan yung mga nasa paligid ko.  

"WHAT AH?" sabi nung isang student.

"Mahiya naman siya."

"Highest section pa naman siya."

Ako?  Ako ba yung pinag-uusapan nila?  Then, maya-maya, may naramdaman akong nakadikit sa likod ko.

Inabot ko yung papel at nakasulat doon...

I'M NOT LUIGI FAJANO's GIRLFRIEND.

Teka, sino naman kaya ang maglalagay nito sa likod ko?  Nang malaman ko na ang nangyayari, lalong lumakas ang tawa nila at sinira ko yung papel.  Tumakbo ako papalayo...

"ANO TO?" sabi ko sa sarili ko pero medyo pasigaw.

"Ms. Starcatcher."

Si MR.  Ang bestfriend ko... noon... at hanggang ngayon.

"Anong nangyari sa iyo?  Bakit gulu-gulo ang ayos ng buhok mo at mukhang taranta ka?"

"Uhm, kasi... eto."

Ipinakita ko sa kanya yung nakasulat sa papel.  Nagulat siya sa nakita niya at huminga siya ng malalim.

"Hindi ka pa ba sanay?"

"Na ano?"

"Luigi Anthony Fajano's a popular guy.  Maraming matang nakatingin sa iyo, kahit na ngayong nag-uusap tayo."

"Bakit mo alam iyon?"

"Instinct ko because I'm also popular like him.  Alam ko ang takbo ng mundo."

"Popular?"

"Yeah.  At ikaw pa lang ang hindi nakakakilala sa akin.  Bestfriend pa naman kita."

"What do you mean popular?"

"Heartthrob?  That's what they call me."

"Ewan.  Parehas ka lang ni Luigi, ang yabang ninyong dalawa."

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon