Hinatid ako sa bahay namin ni Luigi. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa mga nangyari kanina, and that includes our first kiss.
At ngayon, nakahiga na ako sa bed ko at nakatulala lang sa kung saan. Paano nga ulit nangyari iyon? Sabi ko sa sarili ko habang hinahawakan ko yung lips ko. I still couldn't believe it...
Bumangon ako at huminga ng malalim. Tama ba yung ginawa ko? Hinayaan kong halikan niya ako? It happened, at hindi ko na maibabalik pa iyon. But I love him, and that's what matters.
But for now, I'm still thinking of him... Wala na siya bukas sa school. Nasa America na siya for their family business. Ang hirap ng situation niya. Pero, pwede na akong maging tutor... Kikita ako ng pera at matutulungan ko si Lola. Tama! Iyon na lang muna ang gagawin ko.
Kinabukasan ng umaga, pumunta ako sa canteen at gumawa ng sandwiches and juice. Nagpaalam ako kay Lola at pumasok na sa school.
"LARAH!" tawag sa akin ni Kuya Guard. "Wala si Sir Luigi ngayon."
Oo nga pala. Napatingin ako sa sandwiches at juice na ginawa ko. Wala nga pala si Luigi... He left and went to America.
"Alam ko po iyon. Nagpaalam na po siya sa akin," sabi ko naman kay Kuya Guard.
Pagpasok ko sa classroom, umupo ako sa chair ko at lumapit sa akin si Terrence. Wala pa rin si Luigi... Nasaan na kaya siya?
"Nakita mo na ba si Luigi?" tanong ko kay Terrence.
"UHM?!" sagot niya sa akin. "Pumunta siya ng America ngayon, di mo ba alam?"
OO NGA! ANG TANGA KO! MAKAKALIMUTIN.
"Nagbibiro lang naman. Natutuwa ako sa itsura mo," sabi ko na lang sa kanya.
Recess... at wala nga siya. Ayoko namang magpasama kay Terrence sa canteen dahil tinatamad akong makipag-usap. Ang hirap pa lang aminin sa sarili mong nalulungkot ka...
"Hello!" bati sa akin ni... MR ulit.
"Hello din."
"Malungkot ka yata."
"Obvious ba talaga?"
"Yeah. Luigi went to America. Ibig sabihin wala siya sa Philippines... and maso-solo na kita."
"Hah?"
"Biro lang. Kayo na ba talaga?"
"Oo. Official na kami na."
"Well, ita-try ko pa ring magustuhan mo ako."
"Hah? May gusto ka sa akin? Nagbibiro ka ba, huh? Di yata magandang biro iyon."
"I like you, Ms. Reyez."
"MR naman... ikaw talaga. Wag ka ngang magbiro ng ganyan. At isa pa, kung hindi ka man nagbibiro, hindi kita sasagutin dahil engaged na ako sa isang relationship. Luigi's my boyfriend."
"What happened to you?"
"Na-realized ko na, gusto ko talaga siya. Siya ang lagi kong iniisip."
"Talaga? Nagseselos naman ako."
"Marami pa naman diyang mas higit sa akin. I'm not meant for you."
"How could you say that?"
"Because it's true."
Umiling siya at mukhang napagalit ko siya. Kaya naman tumayo ako at nagpaalam na aalis at babalik na ako sa classroom namin.
