CHAPTER 16: ENEMY

9 0 0
                                    

Maraming araw na ang lumipas, ni isang paramdam ng bestfriend ko, wala.  Tama ba yung ginawa ko sa kanya?  Sa bagay, mali naman kasi ang pag-e-explain niya kay Luigi.  

"Luigi, bakit kayo nagkagalit ni MR?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya at huminga ng malalim.  

"Punta tayo sa restaurant," sagot niya sa akin sabay taas ng kilay.  Hindi siya galit.  Ang totoo parang malungkot siya.

"Okay."

Tumayo ako at dinala niya yung school bag ko at pumunta kami sa favorite niyang restaurant.

"What's your order, Ma'am?" tanong nung isang waitress.

"Uhm, steak na lang ako."

"How about you, Sir?"

"Same as hers.  And, lemonade na lang para sa aming dalawa.  At pasta na lang sa aming dalawa rin, and fries."

"Okay.  Pakihintay na lang po."

"Salamat," sabi ko na lang.

Kumain kaming dalawa ng tahimik, walang kibuan.  Nakaka-awkward naman talaga ang silence.  Nagdesisyon akong mag-ingay pero... nagsalita siya bigla.

"Uhm, masarap ba?" tanong niya sa akin with twinkling eyes.

"Oo, parang gusto ko pa nga eh."

"Order pa ako..."

"Joke lang."

Tumawa siya at uminom ng lemonade.

"Yan, dapat lagi kang nakatawa.  Di bagay sa iyo ang nakasimangot."

"Well, gusto mo bang malaman ang story ng mortal enemy ko?"

"Hah?  Sige..." sagot ko na lang.

"Actually, friends kami dati...  Since Grade One magkaklase kami and we're best friends.  But one day, parang nagbago ang ikot ng mundo naming dalawa.  Hindi ko alam kung ako ba ang nagbago o siya.  And, nalungkot din ako.  I don't what's his reason.  Pero, malaki ang galit niya sa akin.  Kaya naman, nang mag-first year high school kami, nagkaroon na ako ng ibang friends...  Siya din.  May kanya-kanya kaming fra--- I mean, group."

"Group?  So, ibig sabihin, rivals ang group ninyong dalawa?"

"Yup.  At sa lahat ng pagkakataon, rivals kami.  Si Nathan De Castro na kilala mong genius namin, rival niya si Jomar Go ng group ni MR.  Si Miguel Cruz as the playboy ng group namin, rival niya si Francis Fajano."

"Wait lang.  Fajano?  Kaanu-ano mo siya?"

"He's my... he's my cousin."

"Cousin pero enemy ninyo siya?  Paano nangyari iyon?  Dapat kinakampihan ka niya, hindi ba?"

"Oo.  But we fight for... popularity."

"Popular?  Bakit sa dinami-rami ng pag-aawayan ninyo popularity pa?"

"Because our lives depend on it."

"Ahh, oo nga pala, tagapagmana kayo ng iba't ibang companies.  At ngayon palang, tagisan na kayo sa popularity."

"Matalino ka nga."

"Pero, kahit na.  Dapat colleagues pa rin kayo."

"Impossible."

"Bakit naman?"

"Because if that happens, siguradong may magsa-sacrifice sa amin."

"Sacrifice?  Paanong sacrifice?"

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon