CHAPTER 9: THE ENCOUNTER

18 1 0
                                    

Habang nasa klase kami, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa katabi kong loko-loko… si Luigi.  Sa tuwing titingnan ko siya, nakatingin lang siya sa akin at ngumingisi.  Pasalamat siya at tuluy-tuloy ang pasok ng mga teachers namin, wala akong time para mag-react.  Pero ayaw ko rin naman siyang saktan.  Tsaka masama ang manakit ng kapwa…

Nang break na namin, inaya ko si Terrence na sumabay sa aking kumain sa may canteen.  Tatanungin ko siya kung anu-ano ba ang dapat gawin kapag may boyfriend ka…

“TERRENCE!” tawag ko sa kanya.

“Uhm?” tanong niya naman sa akin nang lumapit siya.

“Sabay tayong mag-break.”

“Okay, fine.”

Nginitian ko siya.  Pero may tumawag sa akin.

“Larah.”

Tumalikod ako at si Luigi nga iyon.  Ano na naman bang kailangan neto?

“Sabay tayong mag-break.”

Pinag-cross ko yung mga daliri ko, yung para bang magdadasal. 

“Hehe.  Si Terrence.  Sabay kami muna ngayon.  May pag-uusapan kasi kami.”

“About what?”

“Eh…  Di ko pwedeng sabihin sa iyo.”

“At bakit naman.  I have the right to know.”

“Wala ka pang right para malaman mo.  Bukas pa iyon.  Wag ka masyadong excited.”

Tumawa siya at parang kinilig naman si Terrence sa likod ko.

“Okay, fine.  Just don’t forget that tomorrow is another big day.”

“OO NA!  ALAM KO.”

Tinanguan niya lang ako at parang tinuring akong aso dahil hinawakan niya yung buhok ko at ginulo.

“O, bakit mo ba ako inaya dito?” excited na tanong ni Terrence.

“Huwag kang mabibigla sa itatanong ko ah.”

“Okay.  Go, girl.”

“Ano bang ginagawa ng isang babae kapag may-boyfriend siya?”

“HUH?!  Bakit?  May BF ka na?!” ang ingay niya ah.

Tinakpan ko yung bibig niya.

“Shhh.  Wag ka ngang mag-react ng ganyan.”

“Di nga, may-bf ka na?”

“Wala pa.  Pero, magkakaroon na.”

“Naku…  Okay, sige.  Ten tips para sa iyo.”

“Sige, pakisulat na lang dito sa notebook ko.”

“Okay.”

Ten minutes niyang isinulat lahat ng requirements.  Kinakabahan naman ako sa kanya.  Baka mamaya kung anu-ano ang ilagay niya diyan.  Pero nakakatuwa siyang pagmasdan.

“Iyan!  Tapos na.  Dapat lahat ng iyan magawa mo ah.  And, the most important diyan is yung Number 1.”

Sinimulan kong basahin yung Number 10 hanggang makarating sa Number 1.  Ayos naman lahat ng inilagay niya.

“Salamat ah!” sabi ko sa kanya sabay apir kaming dalawa.

“Welcome.  Pero teka, sino ba yang magiging suwerteng boyfriend mo?”

“Hah?  Hihi.  Pwedeng huwag ko munang sabihin?”

“FINE.  Pero may hula na ako.”

“Hah?  Sino?  Sabihin mo naman sa akin.”

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon