"I'm Yumi Ono."
What a cute girl! She's now my classmate and she's my newest friend. Sana maging okay din kaming dalawa.
"Uhm, is it hard for you to speak Filipino?" tanong ko sa kanya.
"Yes, because it's my first time in here. Thanks to my fiance because he would help me!" sagot niya sa akin.
"Fiance? You're enagaged?" sabi ko naman.
"Yes... His name is Lu..."
Sasabihin niya na dapat pero dumating na yung professor namin.
"You'll meet him later!"
After ng first and second classes namin, nagpunta na kami sa canteen at doon sabay na mag-oorder ng food.
MR's POV
This is what I was waiting for. Finally, he came.
"Hey! Hey! Hey!" bati ni Nathan kay Luigi the Great.
Lumingon si Luigi at hindi niya hinubad yung salamin niya. Naglakad siya papunta sa amin at niyakap niya agad ng hindi maangas na yakap si Nathan. Ngumiti lang siya at nakipag-apir.
"How's Japan?!" tanong ni Paul.
"It was really good. Buti na lang marunong pa akong mag-Filipino. How are you guys?" tanong niya sa amin at napatingin siya sa akin. He smiled but I ignored him.
"Di mo ba ako na-missed, MR? Long time, no see."
Unti-unti siyang lumapit sa akin.
"I'm doing great. I got into a law school. And you got into the business school, right? May gusto ka bang itanong sa akin bukod sa condition namin ngayon?" tanong ko sa kanya. I was really starting to make a fight with him. How could he be so confident when Larah was not around?
"Question... Ah, si... Sina! Kamusta na yung ibang katropa natin?! I heard they wento in the States," pilosopong sagot niya.
"Larah."
"Huh?"
"Hindi mo man lang ba kakamustahin si Larah?"
"Larah? Larah? Sinong Larah?"
"EH?!" reaksyon ni Paul at Nathan.
"Don't tell us na hindi mo siya kilala. She's your fiancee!" sabi ni Nathan sa kanya.
"This is no joke!!!" sagot niya na parang galit. "Who's this Larah?"
Maya-maya, may parang naalala siya.
"Uh! I remember. Si Larah. Larah yung pangalan ng girl na nag-messaged sa akin sa mail. I don't know her. Kilala ninyo ba siya?" mukhang nagsasabi siya ng totoo.
"Luigi, I'm angry with you right now. How could you forget the girl you always loved?!" sabi ko sa kanya.
"The girl I always loved?" nag-isip-isip siya. "Wala akong maalalang nagkaroon ako ng girlfriend or something like that..."
Maya-maya, dumarating si Larah and I had no time para itago muna si Luigi. I'm sure malalaman at malalaman niya rin na nandito na siya sa Philippines. May kasama siyang girl na mukhang Japanese.
Nakita nung girl si... Luigi. Niyaya niya si Larah papunta sa lugar kung nasaan kami.
"HEY!" bati ng girl kay Luigi.
