Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit nagbago ang isip niya na maging kaibigan ko. Hindi ako naniniwalang nagbago ang isip niya. Alam kong may bumabagabag lang sa kanya… maaaring yung isip niya… pwede rin namang yung mga taong nasa paligid niya.
Nakakalungkot naman na nabawasan ako ng pwedeng maging kaibigan. Kung kaibigan ko na siguro siya ngayon, baka marami na akong alam tungkol sa kanya. At kung bakit naging kakaiba ang ugali niya sa aming lahat sa school… At kung may problema man siya, naibahagi niya siguro sa akin yun, at baka matulungan ko pa siyang i-resolve yun.
Pakiramdam ko tuloy, ang sama-sama ko talagang tao. Para bang hindi ko naisasabuhay yung mga nababasa ko sa precious book ko. Ayun… Ang sama rin tuloy ng pakiramdam ko.
Matapos ng klase, nagpunta muna ako sa Principal’s office. Kailangan daw akong kausapin ng principal namin. Tungkol daw yun sa scholarship ko. Naku po! May nangyari kayang hindi maganda? THINK POSITIVE. J Never lose hope…
Kumatok ako sa pinto ng Principal’s office, at nang marinig ko yung sagot niyang, “Come in!” pumasok na ako.
“Good afternoon po, Mr. Dela Cruz!” bati ko sa Principal namin. Ang pogi niya pala. Haha.
“Maupo ka, Ms. Reyez.”
“Salamat po.”
Wala siyang sinabi matapos kong umupo. Nagtitigan kami ng ilang segundo, at dahil sa hindi ko matagalang matitigan siya, nagsalita na ako.
“Bakit po ninyo ako pinatawag?” tanong ko, kinakabahan na ako.
“Matalino ka ngang bata.”
Ngumiti lang ako sa kanya dahil sa sobrang hiya.
“Pinatawag kita kasi… I need your help.”
“Po? Para saan na po?”
“Kailangan ko ang tulong mo para sa arrangement ng program para sa Friday.”
“Arrangement po ng program sa Friday? Ano pong mayroon sa Friday?”
“May darating tayong visitors. At gusto kong ikaw ang mag-guide sa kanila sa buong school.”
“Sorry po, Mr. Dela Cruz. Pero po, sa tingin ko, hindi ko po yata kaya yung mag-isa.”
Nag-isip-isip si Mr. Principal. At sa tingin ko, nakumbinsi ko naman siya.
“Okay. Then, hahanap ako ng isa pang student na makakatulong mo. Don’t worry, Ms. Reyez. Alam kong kaya mo yan.”
“Salamat po sa tiwala ninyo sa akin.”
“And… may isa pa akong request sa iyo.”
Tumango lang ako dahil sa wala akong maisagot sa kanya. At kung mayroon man, “Ano po iyon?” ang tanong ko.
“At tungkol sa scholarship mo, gusto kong maging part ka ng ilang organizations sa school. I know that you have the ability to help everyone. Makakatulong iyon para sa pagme-maintain mo na magkaroon ng good grades.”
“Gagawin ko po ang best ko! Maraming salamat po sa tiwala!”
“You’re very welcome. That’s all!”
“Sige po. Salamat po!”
Tumayo ako at huminga ng malalim. Akala ko may problema pero nang mag-pray ako kay God, ayos na ang lahat.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko at sumigaw, “THANK YOU, LORD!” Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan-gaan ng loob ko ngayon. Parang walang mga problema…
