"Pwede bang huminto ka sa pag-iyak?" sabi ng isang tao... boses ng taong pinakamamahal ko.
Binuksan ko yung mga mata ko at nakita ko yung mukha niya. Tumayo siya ng diretso at inabot niya yung kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo. Inabot ko iyon at nakatayo ako. Ngumiti at tinawanan niya ako. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti at tumawa sa akin.
Naglakad kaming dalawa ng magkasabay hanggang sa marating namin yung lugar kung saan ako nagtapat ng nararamdaman ko sa kanya noong high school.
"Do you still remember the time when you asked me to be your girlfriend?" sabi niya sa akin habang nakatalikod.
"Of course."
"Pakiramdam ko naroon pa rin ako sa panahong iyon."
"Oo, tama ka."
"Luigi, nagbago ba ako?"
"Hindi. You're still that Larah that I know."
"Seryoso ka?"
"Oo."
"Sabihin mo sa akin... Kailan mo ako nagustuhan?"
"Noong... Noong binibigyan mo ako ng baon mo. That was the time when I liked you."
"Gusto mo pa rin ba ako ngayon?"
"Ano sa tingin mo?"
Wala siyang nasagot sa akin kahit ano.
"Well, I don't like you."
"Sabi ko na e!"
"Because I love you."
"I know."
"Bakit ka nga pala nandito?"
"Para makalanghap ng maligayang hangin...? Sa tingin ko."
"Maligayang hangin?"
"Ikaw? Bakit nandito ka rin at umiiyak?"
"Para makalanghap din ng maligayang hangin... pero sa tingin ko, hanggang hangin na lang talaga iyon. Siguro, hindi na maibabalik yung dati."
"Oo, siguro nga, dahil may kanya-kanya na tayong buhay ngayon. Pero gusto kong sabihin sa iyo na... thankful ako kay God... thankful ako na nakilala kita. Kahit papaano, ikaw ang first love ko."
"Ikaw rin naman ang first love ko. Pero baka... hanggang first love na lang iyon... baka hindi ako ang last mo. And the last one is the most important thing."
"Oo nga. If you're talking about MR, you're... wrong."
"What do you mean?"
"May sasabihin ako sa iyo."
Huminga muna siya ng malalim.
"Una, hindi ko boyfriend, o fiance si MR. Hindi totoo iyon. Pangalawa, naparito ako para kausapin ka. Objective no. 2.1 - para sa business. I'm going to help you sa business ninyo. And last, Objective no. 2.2 - kinakausap kita ngayon dahil gusto pa rin kita... Mahal pa rin kita."
"You love me?"
"Oo. Pero may dahilan kung bakit hindi kita kayang mahalin ng katulad noon... Ang dahilan...?"
"Anong dahilan...?"
"Dahil... your family killed my parents."
"Hah? Parents mo?"
