Pagdating ko sa loob ng classroom namin, wala pa si Luigi. Siguro may dinaanan na naman iyon. O kaya ine-edit yung video na nasa Announcement screen.
Bakit ba kasi kailangang ipagsabi na kami na? Hindi naman totoo iyon ah. Grabe siya.
Maya-maya, dumating na siya at naupo sa tabi ko. As usual, ibinagsak niya yung bag niya at nagsimulang magmukhang problemado.
"Oy," tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at itinaas yung isang kilay niya, akala mo babae.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Ahh, wala. Wala. Wag mo akong intindihin."
"Weh? Di nga? Mukhang problemado na naiirita ka eh."
Tumayo siya at nagtinginan ang lahat ng classmates namin sa aming dalawa. Feeling ko ang focus ng mga mata nila ay sa akin.
Huminga siya ng malalim at sumigaw.
"JUST DON'T TALK TO ME! OKAY?!"
Nagdadabog siyang lumabas sa classroom at hindi ko akalaing ganoon ang reaction niya. First time ko siyang makita na mukhang lubog sa problema. Yung as in lubog na lubog. You have no escape.
Dumating na yung teacher namin at hinanap niya si Mr. Fajano. Well, di ko naman masabing excuse siya, parang noong dati. Nag-aral na kami at hindi ko pa rin malubos maisip na hindi ako galit sa kanya. Ang totoo, worried ako. Iba siya ngayong araw. Mas magiging malala kung sesermonan ko siya tungkol sa may Announcement screen...
Recess na namin but he didn't come back. What's his problem? I thought I was his... his... di ko pa rin masabi...
"Uy, Ms. Reyez, nangyari?" tanong sa akin ni Terrence na kumakain ng chocolate bar.
"Aywan ko. Basta nag-iba na lang siyang bigla."
"I told all of you," sabat naman ni Jonathan, "hindi siya seryoso kay Larah!"
"Ayan ka na naman!" sabi naman ni Terrence.
"Totoo naman eh."
"Hindi. Iba siya talaga ngayon. Hindi ko ma-explain pero parang may iniiwasan siyang mangyari na naganap na, nagaganap na, o magaganap na... Maaaring kagaganap lang... Basta parang ganun!" sabi ko naman sabay tayo.
"Ano yan, girl? Perperktibo, Imperpektibo, Kontemplatibo?!"
"Sige, alis na ako. Dito lang kayo. Hahanapin ko si Luigi."
Umalis ako at pumunta ako sa may library. Tinanong ko sa Librarian kung nandun siya. Wala siya. Sa canteen, wala din siya. Saan pa ba siya pwedeng pumunta?!
Maya-maya, nakita kong dumaan si Miguel Cruz, photographer nila Luigi. Lumapit kaagad ako sa kanya at tinanong si Luigi. Tinuro niya yung kamay niya sa likod niya.
Nakita kong dumadating si Luigi kasama ang apat pa niyang kaibigan: sina Paul Park, Marco Rasenio, John Ramirez, at Nathan De Castro.
"WAIT LANG!" tawag ko kay Luigi. Hinarangan ko siya sa dadaanan niya.
"Why?" tanong niya sa akin.
