CHAPTER 4: FRIENDS

25 0 0
                                    

Hay… Ano bang nangyayari sa akin ngayon?!  Simple lang naman ang gusto ko… Makapag-aral ng maayos.  That’s what I thought about this school… before.  Mahaba-habang panahon ko pa siya makikita.  At nakakairita na yung isipin! 

Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong tao!  O baka naman grabe lang akong makapag-isip sa kanya?!

“UY!”

“AYY!!!” napasigaw ako sa pagkabigla ko.

“Kanina pa kita kinakausap?!  Okay ka lang?” si Terrence pala yun.

“Ahh… Ano bang tinatanong mo sa akin?  Sorry, ang dami ko lang iniisip.”

“Ano bang nangyari sa inyo ni Luigi?”

“HUH?!  Ahh, wala.  Simpleng… pakikipag-usap lang.”

“Owss?  Base sa kilos mo, na-Luigi virus ka na.”

“Hindi naman sa ganun.  Basta.  Okay lang.  Walang problema.  Wala… talaga.”

“Pautal-utal na eh…”

Bakit nga ba ako ganito?  Threat.  Oo, threat nga yung sinabi niya sa akin.  Hindi ko naman siya ganung kilala.  Oo na, kasalanan ko na.  Pero…

“Halika!  Samahan mo ako.  Punta tayong bookstore.”

“Ikaw na muna… May iniisip lang ako.  Don’t worry.  Okay lang ako dito.”

“Sure ka ah…”

“Uhm.”

Umalis si Terrence at pumunta naman ako sa may library para magbasa ng kung ano mang libro na makita ko dun.  Naglakad ako ng marahan dahil madulas yung floor… kama-mop lang.  Ayaw kong tingnan yung mga nasa paligid ko at baka nakatingin sila sa akin.  Ang cute pala talaga ng sapatos ko.  Haha.  Ngayon ko lang na-realize.

Walking alone is not good.”

HUH?  Kaninong sapatos tong nasa harapan ko ngayon?  Unti-unti akong tumingala.

“Bakit mag-isa ka lang ngayon?” tanong sa akin ni Luigi.

“Pumunta siya sa book…”

Napatigil akong bigla nang ma-realize kong kausap ko pala si Luigi Anthony Fajano.  Bakit ko siya kakausapin?!

“Teka, bakit mo ako tinatanong?”

“Masama bang magtanong?”

“Masama para sa iyo.”

BASAG SIYA SA AKIN!!!  BWAHAHAHA!

“Suwerte ka.”  Teka, bakit kinakausap niya ako ng ganito?  Mahinahon siya.

“At bakit naman?” kalmado kong sagot.

“Suwerte ka kasi… nakakausap mo ng katulad nito ang isang Luigi Anthony Fajano.  Tumingin ka sa paligid mo… They’re staring at us.”

Ginawa ko naman yung sinabi niya.  Tumingin ako sa paligid namin at… nakatingin nga sila sa aming dalawa.

“They think we’re arguing…”

“HINDI NGA BA?!” matapang na sagot ko sa kanya.  Sinadya ko talagang lakasan yung boses ko.

“Hindi.  Normal lang namang ganyang kalakas ang boses mo pag ako kausap mo eh…”

Nang-asar pa talaga siya ah.  Pakiramdam ko nanlaki yung butas ng ilong ko at lumaki yung mga mata ko.

“Sige.  Goodbye.  See you tomorrow, Ms. Reyez.”  Sinabi niya yun with a salute pa!  ANG KAPAL!

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon