CHAPTER 11: ANNOUNCEMENT

16 0 0
                                        

“Why are you crying?” tanong niya sa akin, medyo nang-aasar.

Hindi ako makasagot.  Akala ko kasi katapusan ko na pero simula lang pala

Hinarap niya ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.

“Don’t cry, my girl.”  Hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko.  At niyakap niya ulit ako.

Biglang may nag-flash.  Camera yun ah.

“NICE SHOT!” sigaw ni Miguel at tumawa naman yung iba pa niyang mga kasama.

“Larah, I’d like to meet my friends.”

Friends?  Mga kaibigan niya?  May kaibigan din pala siya.

“Of course, this is Miguel Cruz, our photographer.  Paul Park, our best comedian.  Marco Rasenio, our quiet friend.  John Ramirez, our playboy friend.  Nathan De Castro, our smartest friend.  Patrick Jose, Larry Domingo, and Ralph Federico, our basketball players.”

Ang dami niyang binanggit na pangalan at si Miguel at Paul lang yung natandaan ko dahil sa trauma na dinala nila sa akin.

“Guys, you can go now to your classes!  Thanks for your cooperation.  See you around.”

Tapos inakbayan niya ako…  Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin.

“Punta na tayo sa class natin.”

“Sandali lang.”

“Ano yun?”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na magtatanong ka ng katulad nun?”

“That’s what you called a “surprise”.  At isa pa, kapag ba magtatanong ka ng ganoon sasabihin sa babae na ‘magpo-propose ako sa iyo bukas ah?’”  Hindi naman, di ba?”

“Sa bagay.  Pero kinabahan ako sa nangyari.  Akala ko kasi katapusan ko na.”

“Bakit?”

Dapat ko na bang sabihin sa kanya?

“Wala.  Akala ko lang.”

“Let’s go!”

Dala-dala ko yung flowers na ibinigay niya habang papunta kami sa classroom.  Kaya nakatingin lahat ng babae sa akin, parang gusto nila akong patayin sa tingin nila.  Halatang maraming nagkakagusto kay Luigi pero ako ang pinagtrip-an niyang maging girlfriend.  NAPAKASUWERTE KO TALAGA.

Habang nasa loob kami ng klase, nagbasa muna ako ng books para makapaglibang.  Napatingin ako kay Luigi at nakatingin siya sa akin na parang nagtataka.  Gusto niya ba akong kausapin?

“May gusto ka bang sabihin?” tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin.  “Mayroon ka bang sasabihin?”

“Naisip ko lang.”

“Ang alin?  Gusto mong magbasa ng libro?  Pahiram ko sa iyo ito.”

“Hindi.  Ako?  Magbabasa ng libro?”

“Lahat ng tao pwedeng magbago.”

“Makipagkuwentuhan ka pa nga sa akin.”

“Busy ako.  Hindi mo ba nakikita na nagbabasa ako ng libro?”

“Alam ko.  What I mean is…” kinuha niya yung libro ko at ipinatong sa table niya, “Itigil mo na muna iyan at makipagkuwentuhan ka sa akin.”

“Tungkol saan naman?”

“First time mo?”

“Na…?”

“Magkaroon ng boyfriend?”

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon