CHAPTER 30: TEASER AND PROTECTOR

9 0 0
                                    

LARAH's POV

Matapos ang pag-aaral ng todo, naka-graduate ako ng college as Summa Cum Laude, at nakapasa sa admission test para sa medical school.  Dahil blessed ako ni God, nakapasa din ako sa board exam.  Ang masasabi ko lang... handa na ako sa pagbalik sa Philippines.  Ipakikilala ko na rin yung fiance ko.

Humanap ako ng hospital kung saan kaunti pa lang ang doctors.  Nakapag-adopt naman ako kaagad dahil na rin sa mababait at maunawain ang mga doctors and nurses sa napasukan ko.  Natutuwa sila na ang hospital na iyon ang pinasukan ko.  Well, sa Internal Medicine Department ako.

Nasa night shift ako ngayon.

"Doctor, gagaling pa po ba ako?" tanong ng isang batang pasyente sa akin.

"Syempre naman!  Basta maniwala ka lang na gagaling ka."

"Naniniwala po ako kay God na pagagalingin niya ako at magiging isa rin akong mahusay na doktor kagaya mo po."

"Sabi mo yan ah.  Magkakatrabaho tayo balang-araw ah!"

"Promise po!" sabi ng bata sa akin.

"Doctor!  Doctor!  Kailangan po namin kayo!  May bata pong hindi makahinga at sa tingin ko po, malubha na ang kalagayan niya!" sabi ng isang nurse sa akin.

Pero habang papunta ako sa hallway, hinarang na ako ni Dr. Francisco, isang pediatrician.

"I'll take care of this!" sabi niya sa akin kaya hindi na ako tumuloy.

Nasanay na rin ako sa mga emergency na katulad niyon kaya naman hindi na ako masyadong kinabahan.  Bago ako magpatuloy sa paglalakad pabalik, lumingon ako at parang nakita ko si...

Si Luigi.

"Imposible naman."

Kinabukasan, maraming doctors na naka-off day kaya kaunti lang kami sa hospital.  Buti na lang maraming nurses kaya kahit papaano, may katulong kami sa pag-che-checkup ng pasyente.

"Doctor, kailangan ninyo pong pumunta---" sabi ni Nurse Sally.

"Call Mr. Fajano!" sigaw ng nurse.

Fajano?  Tama ba yung rinig ko?  Fajano?  

Hahaha.  Nakakatawa ka naman Larah.  Di nga siya ang pinili mo, hindi ba?  


"Sandali lang.  Fajano ba yung narinig ko?" tanong ko kay Nurse Sally.

"Opo."

"Sandali lang ah..."

Lumakad ako papunta doon at nakasara yung pinto.

Unti-unti kong hinawakan yung doorknob nung door at kabado pa rin ako...

Marami namang Fajano sa mundo.  Baka yung pinsan niya, kamag-anak niya, kaapelyido niya... o kaya naman yung... anak niya...

Nang mabanggit ng isip ko yung words na "anak niya", huminto na naman ang ikot ng mundo ko...  My tears flowed ...

Pero bilang isang doktor, binuksan ko yung pinto at nakita ko ang isang bata na nangangailangan ng tulong.  Tinanong ko yung nurse kung anong nangyari.

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon