Eto na yata ang pinakamahirap na challenge na natanggap ko galing kay God. Hindi ko alam kung anong purpose niya, pero sana maging ayos ang lahat. Si Luigi, akala ko nakalimutan na niya talaga ako and I already started to give up on him. Si MR, na bestfriend ko at laging nasa tabi ko, nag-confessed siya sa akin na gusto niya pa rin ako at gusto niya akong ligawan... pero hindi pa ako handa. Si Yumi, na naging friend sa hindi inaasahang pagkakataon, fiancee pala ni Luigi, at ayaw ko rin siyang saktan. Maybe she knows the truth right now. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita...
"I heard it," sabi sa akin ni MR sabay palakpak. "You already know na kilala ka pa rin ni Luigi..."
"Oo. Hanggang ngayon naaawa pa rin ako sa sarili ko..."
"I knew it. Alam kong kilala ka pa rin ni Luigi."
"Kailan pa? At bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"When we were supposed to have our early birds' kiss..."
"Early birds' kiss? Wala na akong..."
"Of course. Hindi mo maaalala iyon. Haha. By the way, how did it go?"
"Sagutin mo muna yung tanong ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?"
"Simply because... Luigi asked me not to."
"Bakit daw? Anong purpose niya?"
"Sa tingin niya, makakalimutan mo siya sa pamamagitan ng pagkukunwari niya na hindi ka niya kilala. I think, it's time na para malaman mo ang katotohanan about sa secret niya."
"Hindi ko siya maintindihan! What if makalimutan ko na nga siya... what if may mahal na akong iba, tapos sasabihin niya sa akin na magiging kami rin sa huli?!!! ANG GULO NIYA!"
"What do you mean by 'what if may mahal ka ng iba'?"
"HUh? Iyon... What if... Magustuhan na... kita... PARANG GANOON! Example ko... Oo, ganoon nga. Hihi..."
"Larah's back. Nagbalik ka na. So you're afraid to fall in love with me?"
"Aaminin ko. Oo. Ma-fall in love na ako sa ibang lalaki, huwag lang sa iyo. Dahil baka maapektuhan ang friendship natin..."
"So, you're saying na may chance ako sa iyo. Well, hindi ako mag-gi-give up sa iyo. Hangga't hindi kayo nagkakabalikan ni Luigi... Liligawan kita."
"MR... Sinabi ko naman sa iyo, di ba? Lalo na nalaman kong kilala niya ako. Kahit anong gawin ko, siya pa rin ang laman nito..." sabi ko sabay hawak sa dibdib ko.
"I know, and I understand."
"Thank you..."
"Well, ipapakilala kita sa isang taong mahalaga sa akin. Do you want to know him?"
"HIM? Kapatid, pinsan, daddy mo, uncle?"
"NO. He's my Boss."
"BOSS?"
"Yup! He works as the President, and at the same time, the owner of the famous company in the world... TheLCs Group of Companies."
"Parang narinig ko na yan ah? Hindi ko lang alam kung kailan..."
"Well, just like what I've said a while ago... he's my boss. Oo, nag-aaral ako ng Law pero may pananagutan din ako sa business. Magkasosyo ang parents ko at ang Boss ko. Siya ang nagte-train sa akin."
"WOW. Ang galing ah. Umaasenso ka na talaga."
"Haha. Isa siyang mabait na tao pero istrikto... You told me na gusto mong magkaroon ng part-time... kung naaalala mo pa... Pwede kitang ipakilala sa kanya?"
