CHAPTER 8: FANTASY

18 1 0
                                    

Kinaumagahan, kumain ako ng mabilis para makapasok sa school nang maaga.  Napagdesisyunan ko kasing humingi ng sorry sa Principal namin.  Hindi ko nagawa yung dapat kong gawin.  At isa pa, si Luigi ang naghirap na kausapin yung mga bisita. 

“Okay ka na ba?” tanong sa akin ni Kuya Guard.

“OKAY NA OKAY NA PO!” sagot ko naman sa kanya with two thumbs up!

Tumakbo na ako ng mabilis.

“WAG KANG TUMAKBO NG MABILIS!  HINDING-HINDI KA MALE-LATE!!!  ANG AGA-AGA PA!” sigaw ni Kuya Guard.

Lumingon ako at two thumbs up ulit.  Mukhang nagkakasundo na kami ni Kuya Guard ah.

Principal’s Office

Hay.  Eto na yung moment na kinatatakutan ko.  Dapat ba akong pumasok sa loob?  O huwag na lang.

“Kaya ko ito.  Kayang-kaya!” sabi ko nang biglang may naunang humawak sa door knob.  Nahawakan niya rin yung kamay ko.  Tumingin ako sa kanya…

“Hello!” bati niya sa akin.  Si MR De Guzman.  “Okay ka na ba?”

“Ahh…  Oo naman!  Okay na okay na ako!  Bubuksan ko na nga sana yung pinto kaya lang naunahan mo ako eh!” sabi ko na may kasamang tawa.

“Ahh, akala ko nagdadalawang-isip ka pa kung tutuloy ka o hindi.”

Nagsinungaling na naman ako pero…  Nabuking ako kaagad.

“Oo, parang ganoon na nga.”

Tumawa kaming dalawa at binuksan niya yung pinto.

Tapos, nakita ko si Luigi na nakatayo sa may pinto.  Palabas siya habang papasok naman sana kami.

Pakiramdam ko, huminto ang takbo ng mundo dahil… parang biglang lumamig.

Tiningnan ko yung expression ng mukha niya.  Nakasimangot siya… at nakakatakot ang itsura.

Nakatingin siya kay MR at tiningnan ko rin naman siya.  Nakatitig sila sa isa’t isa.  May something sa tinginan nilang dalawa.  Hindi ko alam kung ano iyon pero… biglang lumamig ang buong paligid.  Parang nagka-snow sa sobrang lamig.

“Ahh, Mr. De Guzman nandito ka na pala!  Please meet Mr. Luigi Anthony Fajano.”

“Nice to meet you, Mr. Fajano,” sabi ni MR.

“It’s my pleasure,” sagot ni Luigi.

“And, do you know Ms. Larah Charlotte Reyez?” tanong ni Mr. Principal kay MR.

“Yes, of course.  We’re friends!” sabi ni MR kay Principal.  Inakbayan niya naman ako at ngumiti lang ako.

“Please come in, Mr. De Guzman!” sabi ni Principal sabay pasok ni MR sa loob at lumabas naman si Luigi.  Naiwan ako sa labas at katapat ko ngayon si Luigi.

Ang sama ng tingin niya sa akin.  Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Huminga siya ng malalim.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa with a smiling face.  Nagpapanggap lang ba siya kanina o nagsisimula yun ngayon?

“Mag-a-apologize lang sana ako kay Mr. Principal.  Eh ikaw bakit nasa loob ka?”

“Bakit kasama mo siya?”

“Sinong siya?”

Ano ba naman yung tanong ko?!

“Bakit mo kasama si… ano yung pangalan nun?” sabi niya.  Nakasimangot… yung para bang nagtataka.

“Ahh.  Oo, kasi… ganito… kasi… ano…”

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon