Bumaba ako sa kotse niya at malayu-layo pa yun sa sakayan ng bus papunta na mismo sa bahay namin.
“May problema ba?” tanong ko sa kanya. I’m referring to his car.
Binuksan niya yung windshield.
“Malapit na yung sakayan ng bus diretso sa bahay ninyo. Ingat!” sabi niya sa akin at pinatakbo niya kaagad yung kotse niya.
“LUIGI!!! Sandali lang!” sigaw ko.
Napahawak ako sa noo ko. Anong gagawin ko ngayon?! Ang dami kong dalang gamit… Malayu-layo yung lalakarin ko.
“Ang sama-sama niya! Iniwan niya ako dito. Hinding-hindi na ako sasakay sa kotse mo! Sana mawalan ka ng gasolina!” sigaw ko.
Maya-maya, may dumaang motor. Tinawag ko yung driver.
“Manong, magkano po bayad mula rito hanggang sa sakayan ng bus?” tanong ko.
“50 pesos lang.”
“Po? Ang mahal naman po yata.”
Kinapa ko yung bulsa ko at kinuha ko yung pera ko.
“Naku po! Thirty pesos na lang to!” sabi ko.
“Hindi kaya…” sabi nung driver at umalis kaagad siya.
ANG MALAS-MALAS KO NAMAN NGAYON!!!
“Maglalakad na lang ako. Kaya ko to!” sinabi ko sa sarili ko at naglakad na lang ako ng mabilis.
Ilang minuto pa lang ako naglalakad, napagod na kaagad ako. Malayo pa yung sakayan ng bus. Nagpahinga ako ng isang minuto at tumayo na ulit ako at naglakad ng dahan-dahan. Kung bibilisan ko ang paglalakad, lalo lang akong mapapagod.
Maya-maya, naramdaman kong parang may pumatak na tubig sa akin. Tumingala ako sa langit at kumukulimlim na.
“Uulan pa…” nasabi ko na lang.
Please wag muna ngayon, malayo pa yung lalakarin ko.
At maya-maya nga ay lumakas na yung ulan. Tumakbo ako ng mabilis. Nababasa na yung mga gamit ko. Wala pa akong dalang payong ngayon at kung mayroon man, hindi ko mahahawakan dahil sa dami ng dala kong gamit.
Nanghihina na yung buong katawan ko. Gusto ko munang magpahinga. Huminto muna ako sandali. Tiningnan ko yung mga gamit ko…
“Yung project ko…” nabanggit ko na lang. isang linggo kong ginawa yung project ko pero nabalewala lang… Anong magagawa ko? Puno na yung laman ng bag ko… Ang dami ko pang dala… Wala rin akong payong…
Nakita ko yung sakayan ng bus at tumakbo na lang ako ng mabilis para makasakay na ako at makauwi kaagad.
Nakatingin lahat ng tao sa akin.
Kawawa naman.
Bigyan mo kaya muna ng jacket yung estudyante.
Ano ba naman yan? Hindi ba siya nakinig ng balita na may darating na bagyo?!
Iba’t iba sila ng tingin sa akin. Para sabihin ko sa kanila, hindi ko kasalanan to! Kasalanan ito ng magaling na si Luigi Anthony Fajano! Kilala ninyo ba siya, hah?! Siya ang hari ng school namin!
Parang wala ako sa sarili ko, paiba-iba yung isip ko. Nahihilo na ako.
Lumabo na yung paningin ko at bumagsak ako.
AYY!!!
Yun ang huling napakinggan kong sabi ng mga tao.
Ang sama-sama mong Luigi Anthony Fajano ka! Bakit sino ka ba sa akala mo?!
