CHAPTER 17: RULE NUMBER EIGHT

4 0 0
                                    

Wala namang nagbago sa aming dalawa ni Luigi... I love him and he loves me.  I'm contented.

Sa tuwing iniisip ko yung moment na nagkakilala kami, nadarama ko yung hangin nagba-backwards sa panahon noon.  Months na ang nakalipas and he doesn't even change.  

Nothing changed... 

This year was full of surprises...

I met Luigi Anthony Fajano, heartthrob ng campus na kinaaayawan ko noon at di ko akalaing boyfriend ko ngayon.  I never thought na mafe-fell in love ako sa kanya ng mabilis...  I thought that it would take a century for me to meet my first love.

And...

I don't even think if this a good or a bad idea.  I met, once again, my best friend, MR.

MR.  He really changed.  The way he looks... his actions, his voice... 

Ang ayoko lang ay... di ko matanggap na mortal enemies sila ng boyfriend ko.

"MS. REYEZ!" tawag sa akin ng bago kong professor sa English, si Mr. Manalo.

"Sir?" tanong ko naman sa kanya.

"Bakit absent na naman si Luigi, huh?"

"Di ko po alam."

"GF ka niya pero di mo alam kung bakit siya absent?" sabi niya sa akin ng pabiro.

"Well, ilalaban kita for our campus' journalism.  You're an essayist, right?"

"Medyo po..."

"Okay.  Unpredictable ang topic ngayon so... I want you to research about the ideas in writing a feature article.  Any questions?"

"Kailan po yung contest?"

"Uhm, this week."

"Okay po Sir.  Thanks for the opportunity."

"Okay.  Alis na ako!"

"Ingat po!"

CONTEST?  FEATURE?  Mukhang exciting to ah.

Absent si Luigi?  Oo nga, di niya sinabi sa akin.

Maya-maya, nakita ko lang siya sa may park kasama yung mga friends niya.  Nagtatawanan silang lahat.  Anong dahilan at nag-absent siya?

Lumapit ako sa kanya.

"Uy, girlfriend mo!" sabi ni Nathan kay Luigi sabay tapik sa balikat.

"Anong gagawin ko?!" sagot niya.

Tumayo siya at binitbit ang bag niya.  

Akala ko kakausapin niya ako pero nilagpasan niya ako.

"HOY!" tawag ko sa kanya.

Lumingon siya kaya naman lumapit ulit ako.

"What?  May kailangan ka?" tanong niya sa akin.

"Bakit di mo sinabi sa akin na mag-a-absent ka?"

"Well, hindi lahat ng bagay kailangan kong sabihin sa iyo."

"Uy, seryoso naman din ako."

"I'm serious."

"Luigi, may problema ka ba?"

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon