CHAPTER18: CHRISTMAS

7 0 1
                                    

Two days na lang Christmas na.  Naghahanda na si Lola para sa mga handa namin.

"La, ako na pong bahala sa decorations!" sabi ko kay Lola habang kumakain kami.

"Sige.  Hindi mo ba iimbitahin si MR?"

Napalunok ako.

"Tatanungin ko na lang po siya.  Di ko na po kasi siya nakikita sa school eh."

"Sige... si Luigi?"

"Uhm, hindi ko pa po siya nakakusap tungkol doon.  Pero pwede po bang imbitahin ko yung friends ko dito?  Last year na lang naman po kasi naming magkakasama.  We're going to different schools after we graduate."

"Syempre naman!"

Nakipagkita ako kay Luigi sa may park.  Kinausap ko siya about sa Christmas.  He said yes sa lahat ng sinabi ko.  

"Luigi, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo to pero...  Si Lola kasi... gusto niyang imibitahin ko si MR sa Christmas sa bahay... pero baka hindi okay yun sa iyo... kaya..."

"Okay, I agree.  Pero wag mo na lang siyang kakausapin ng matagal ah.  Magseselos ako."

"Alam ko naman iyon!" sabi ko sa kanya at niyakap ko siya dahil matutuwa si Lola.

"Kinausap mo na ba siya?"

"Hindi pa.  Di ko siya nakita sa school dati.  And I don't even have his contact number.  Gusto mong tawagan siya?"

"Hah?  May number ka niya?"

"Of course."

Ipinahiram niya yung cell phone niya sa akin.  Idinial niya yung number ni MR.

Hello - Luigi

What do you want? - MR

Somebody wants to talk to you... - Luigi

Okay. - MR

"He-he-hello..." sabi ko sa kanya.  Nakatitig lang sa akin si Luigi.  Tinitingnan niyang mabuti yung expression ko.

"Larah?" sagot niya.

"Ako nga ito.  Ah, tumawag ako... kasi... kasi... gusto ni Lola na dumating ka sa bahay sa Christmas."

"Christmas eve?"

"Oo...  Gusto ko niyang makita..."

"I'll try.  I'm not sure if I can go.  But thanks sa pagtatanong.  I really appreciate it."

"Sige... salamat din."

Tinabi ni Luigi yung cell phone sa pocket niya at lumapit siya sa akin.  Hinawakan niya yung mga kamay ko.

"I love you," sabi niya sa akin.

"I love you, too."

December 24... Mamaya na ang Christmas eve.  Darating kaya si MR?  Matutuwa din naman ako kung makakapunta siya.  Para kay Lola naman ito...

Dumating si Luigi kasama yung friends niya nang 6 pm.

"Wow!  So ito pala ang bahay ni Larah Reyez!" sabi ni Nathan.

"Uy, ako ang nag-decorate niyan."

"Alam namin yun kaya naman nagdala ako ng prizes dito.  Mas masaya kung may games tayo, di ba?"

"That's our plan for today, Love," sabi naman ni Luigi.

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon