Habang nagkaklase ang pangalawa naming teacher, sumasakit naman ng sobra ang ulo kakaisip sa bwisit kong katabi! Hindi ko alam kung bakit pikon na pikon ako sa kanya sa simula pa lang!
Una sa lahat, hindi siya maayos mag-uniform... at ang nakakainis pa dun, heartthrob siya ng buong campus. Nakaka-out-of-place naman kung hindi ko alam yung mga nangyayari sa school na ito. Kung hindi lang talaga dahil sa scholarship na 'to, mag-iiba ako ng school.
Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako at nakatanghod sa may bintana.
"Are you okay?" biglang may nagtanong sa akin.
Humarap ako at nakita ko si Terrence. Nakatayo siya sa tapat ng row namin.
"Terrence!" nasabi ko. Hilo pa rin yata ako..
"Okay ka lang, girl?" tanong niya sa akin.
Tumahimik ako ng limang segundo tsaka lang ako nakapagsalita.
"Oum. Okay lang ako... medyo okay."
"Bakit naman?"
"Gutom lang siguro. Tara, kain na tayo."
Tumayo ako at dinala ko yung pera ko. Parang wala ako sa sarili ko habang naglalakad kami papuntang canteen.
Mas weird yata ako sa kanya.
"Charlotte, uy, sure kang okay ka at gutom lang yan? O baka naman... na Luigi fever ka na?" sabi niya sa akin.
"Huh? ANong ibig mong sabihin?"
"Huwag mong sabihing hindi mo alam kung sino ang pamankin ng owner ng school na 'to!"
"Sino ba???" tanong ko sa kanya. Teka, bakit nga ba ako ganito?
"Luigi Anthony Fajano...," sagot niya sa akin sabay tawa. Tumingin lahat ng students sa amin hindi nang tumawa siya kung hindi nung sinabi niya yung pangalan na Luigi Anthony Fajano.
"Sino yun? Wala akong kilalang ganun ang pangalan."
Binatukan niya ako para bang close na kami. Ibang klase din tong si Terrence.
"He's your seatmate... and maybe, your cheatmate."
"SIYA?! YUNG KATABI KONG WALANG KWENTA?!" bigla akong napasigaw ng malakas.
"Shhhhhhhh!" sabi naman ni Terrence sa akin.
Napatigil ako sa reaction ko at ganun din naman siya.
"Sinong walang kwenta?" biglang may nagtanong sa akin.
Tumalikod ako para makita kung sino iyon at si... Luigi.
"Ahh... wala, Luigi," sagot ni Terrence sabay tago ako sa likod niya.
"Then why are you hiding...?" tanong niya.... sa akin.
"Wala. Nagulat lang ako... Iyon... nagulat lang ako," sabi ko sabay kamot ng ulo.
"So, kagulat-gulat pala ako?" tanong niya sa amin.
"Punta na kami sa may canteen. Ahh, see yah later!" sabi ko sa kanya sabay hatak kay Terrence.
TERROR... CLASSMATE???
"Uy, bakit ba ganun yun?" tanong ko kay Terrence.
"Ewan ko. Mayaman na nga siya, pogi, matalino... nasa kanya na lahat pero ang sama niya pa rin."
"So... masama nga siya?" tanong ko naman sa kanya.
"HIndi naman masama... na kagaya ng iniiisip mo ngayon..."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakaloka naman pala tong Terrence na ito eh.
"Tell me more."
Sinubukan kong maging sincere pero ayoko siyang pag-usapan eh.
"Nag-iisang anak siya ng parents niya and since yung daddy niya iniwan sila nung baby pa siya, nagdesisyon yung mommy niyang iwanan na lang muna siya sa grandparents niya na mga matapobre. Then, lumaki siya na mulat sa kayamanan..."
"Hindi ba mayaman yung grandparents niya, bakit nag-abroad pa yung mommy niya?" tanong ko sa kanya. Medyo naiintriga na ako.
"Mas pinili kasi ng mommy niya yung daddy niya kaysa sa grandparents niya..."
"And it's because of money...?"
"Yeahs...!"
Nang marinig ko yung story niya, nalungkot ako. Kaya pala siya ganun... Wala siyang kinamulatang totoong magulang. Hindi talaga siya magiging masaya noon.
"Now I understand... Nakakalungkot naman."
"Huwag ka munang maawa.... May hindi ka pa alam."
Biglang napakunot yung noo ko. Ano naman kaya iyon? Wala akong ideya para i-judge ang isang tao.
"Heartthrob siya, hindi ba?"
"Ohh....?"
"Kaya siguradong marami na siyang naging girlfriends.... na pinagloloko niya lang."
"O... Out of his history na yun. Siya na may problema nun."
"So ibig mong sabihin problema mo yung vision na sa life niya?"
"If only I can change him into a better person... Pero, sino ba ako?"
"Oo nga. Ano bang buong pangalan mo?"
"Haha. Larah Charlotte Reyez."
So... mali pala yung first impression ko sa kanya. May kabutihan pala siya. Hay naku!
DOn't judge a person... at first sight.
