CHAPTER 15: PERFECT COUPLE

10 0 0
                                    

Ngayong araw na ito uuwi si Luigi and excited din naman ako kahit papaano.  Didiretso kaya siya dito sa school o tambay muna siya sa kanila?  

Naglakad ako papuntang school na mukhang masaya naman, pero biglang lumapit sa akin si Terrence.

"LARAH," tawag niya sa akin sabay kuha ng kamay ko.

"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.  "Dumating na ba si Luigi dito sa school?"

"OO.  At... si Luigi... si Luigi... nagharap sila ni MR De Guzman." 

"ANO?  Saan sila?" tanong ko naman, medyo taranta.

"Sa may canteen."

Tumakbo kami papunta sa canteen at tanaw namin silang dalawa na nakatayo.  Wala naman silang ginagawa pero titig na titig sila sa isa't isa.  Para bang kung nagkataon, hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko.  Ang bestfriend ko o ang boyfriend ko?

"Anong ginagawa mo sa bahay ng girlfriend ko?" tanong ni Luigi.

Ngumisi si MR at huminga siya ng malalim.

"Well, if you don't know, I'm your girlfriend's bestfriend, and you can do nothing about it," pang-aasar na sagot ni MR.

"Alam ko, at hindi mo kailangang ipamukha sa akin iyon."

"So, anong problema mo ngayon?"

"I want you to stay away from my girlfriend."

"WHY?  Are you that affected?  Are you jealous?"

"Of course, I am.  She's my girlfriend, and you're not a good influence to her."

"Mr. Fajano, you know that I can't stay away from her."

"And why?  Do you have plans with her?"

"Yes.  She's mine, she's not yours.  She's mine..."

Nag-init si Luigi.  Kitang-kita ko iyon sa mukha niya.  Lumapit siya kay MR at tinulak to ng malakas.  Gumanti naman si MR ng isang malakas na suntok.  Nag-away sila at sumigaw na ako...

"TAMA NA," sigaw ko sa kanilang dalawa.

May dugo sa labi si Luigi at nag-aapoy naman sa galit si MR.

"Ano ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Lumayo ka dito Larah," sagot naman ni Luigi.

"Luigi, oo, ikaw ang boyfriend ko, pero di mo maaalis yung pagiging bestfriend ni MR sa akin."

Lumayo siya kay MR at lumunok.  

"Do you consider my feelings for you?" tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya kasi parang guilty ako na hindi siya ang ipinagtanggol ko.

"Dapat yata hindi na ako bumalik sa Philippines, dahil wala namang naghihintay sa akin dito eh," sabi niya sabay talikod at lumakad siya paalis.

Hindi ko siya sinundan.  Nagmatigas ako.  Lumapit ako kay MR at inaway ko rin siya.

"Hoy, bestfriend kita... noon... pero kung hindi mo tatanggapin na siya ang pinili ko, kalimutan mo na ang friendship natin."

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon