CHAPTER 10: RULE NUMBER TEN

16 0 0
                                    

Nang bumalik ako sa classroom namin, wala doon si Luigi.  Saan na naman kaya siya pumunta?  Nakatingin lang naman sa akin si Terrence.

Bakit ganoon?  Pakiramdam ko babagsak na naman ako.

Lumapit kaagad sa akin si Terrence para i-comfort ako.  Bakit ba nahihilo na naman ako?

“Larah,” sabi niya sa akin at inupo niya ako kaagad sa bangko.  “Are you okay?”

“Ahh, salamat.”  Ano ba ang dapat kong isagot?  Alam kong hindi ako okay pero may klase pa kami.  Ayokong mag-absent ulit.

“Okay ka lang?” tanong ulit sa akin ni Terrence.

“Ahh, oo, okay lang ako.  Medyo nahihilo lang.”

Lumapit naman yung ilang classmates ko sa akin. 

“Larah,” sabi ni Caroline, yung Muse ng section namin.  “Nahihilo na naman ba siya?” tanong niya yun kay Terrence.

“Medyo daw,” sagot naman ni Terrence.

“I think I should bring her to the clinic,” sabi ni Jonathan.  First time kong marinig na nag-aalala siya sa akin.  Hindi naman kami close.

“Bakit ikaw?!” sabi naman ni Terrence.

“Naku, nagte-take advantage si Jonathan.  May gusto siya kay Larah.  Hindi ba ninyo alam iyon?” sabi naman ni Lauren.

“Lauren, tumigil ka nga,” sabi naman ni Jonathan.

“Magpakatotoo ka na, oy!” sabi naman ni Caroline.  At parang binatukan pa niya si Jonathan.

Narinig ko na yung boses ng teacher namin kaya inayos ko na yung sarili ko.

“Okay lang ako.”

“Sure ka ah,” sabi naman ni Terrence.

“Oo, sure ako.”

Bumalik na sila sa mga upuan nila pero alam kong yung mga titig nila… alam kong, nakatitig silang lahat sa akin.

Nginitian ko lang sila at nag-thumbs up. 

Kinuha ko na yung notebook ko at ballpen.  Tumingin ako ng diretso sa may board at nababasa ko naman yung mga sulat doon.  Kinopya ko yung mga nandun pero…

“Bakit wala pa siya?” sabi ko habang nakatingin sa may bintana.

Ipinagpatuloy ko yung pagsusulat ko.  Pero, pakiramdam ko talaga…

“Hi,” boses ni Luigi iyon ah.

Tumingin ako sa upuan niya at nilalagay niya yung bag niya doon.

“Bakit mukhang gulat na gulat ka?” sabi niya sa akin pero pabulong.

“Hah?” sabi ko na lang.

Umupo siya kaagad at kumuha ng notebook at ballpen.  Kinopya niya rin yung nasa board.  Mukhang masaya siya ngayon.  Ano na naman kayang mayroon?

Nang tapos na yung klase namin, nagdesisyon akong dumaan muna sa may grocery para bumili ng bread at kung ano mang palaman ang makita ko doon tsaka powdered juice.

“Ano kayang gusto niya?” sabi ko. 

Basta masarap at yung magiging satisfied siya.

Naglakad ako papunta sa may grocery at kaunti lang ang tao.  Pumunta ako kaagad sa lugar na puro tinapay…  Nakita ko kaagad yung bread namin sa bahay at dalawang ganoon na ang binili ko.  Pumunta naman ako dun sa lugar ng mga palaman.  Pinili ko yung strawberry flavor.  Then, last but not the least, yung powdered juice.  Strawberry na lang din ang binili ko.

Teaser and ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon