46

124 6 11
                                    

 "Tawagan mo lang ako kapag may kailangan pa kayo rito, ha? Oh, siya sige, bababa na ako." I smiled at Manang Nita and waved my hand as she went out of the room. Masyadong napahaba ang usapan namin na nauwi sa kwentuhan kaya inabot na kami ng 12 midnight at ngayon lang siya bumaba para makapagpahinga na rin.

Sinilip ko si Ayara na himbing na ang tulog sa gitna ng kama. Yakap-yakap niya ang bagong unan na binili ko kanina. She's sleeping peacefully, which made me smile. My daughter really looks so angelic, kahit ang bata pa niya, ang ganda-ganda at ang amo ng mukha niya kaya halos lahat ng makakita sa kanya ay nahuhuli niya agad ang puso lalo na kapag ngumiti siya. Pero minsan, hindi mo talaga magugustuhang makita ang pagta-tantrums niya. She's turning into an angel with a small horn. Iba siya kapag tinoyo na kaya ang tanging magagawa nalang ay ibigay ang gusto niya.

Inayos ko ang blanket niya bago napagdesisyunan na tumayo at kunin ang laptop ko sa may study table. Agad rin naman akong tumabi ulit sa anak ko at sumandal sa headboard.

I placed my laptop on my lap before opening it. I checked my emails first, and when I saw that no new emails had been sent to me, I next opened the security system of the house. I checked the CCTV footage for the whole day. I am trying to find the one who took a picture of me and my daughter earlier, but I cannot find anything or anyone. Sigurado akong hindi nagalaw ang CCTV footage rito. It was just that they have clean moves. Halatang sanay na sanay na sila sa ganitong gawain kaya nga hanggang ngayon ay gising ako at nagbabantay.

Nighttime is very crucial. It was so quiet, silent, and deadly. Hindi ko alam kung kailan sila susugod at aatake rito so I need to be alert. Hindi pwedeng isawalang bahala nalang lalo na at malaking taon ang kalaban ko ngayon.

Wala akong laban and I know that blue-eyed woman knows that very much. I only have myself, and I have plenty of people to save. I have my daughter with me; that's why I cannot take a risk either.

Nang wala talaga 'kong makita na kahit anong trace sa malapit ng mga kalaban ay sinubukan kong i-hack ang CCTV ng subdivision. It doesn't take me a while to have access. Bahagyang napangiti pa ako dahil doon. Akala ko ay pupurol na ako sa bagay na ito dahil dalawang taon na rin na hindi ko manlang nasubukan o nagawa ito but I guess skills come out naturally.

Like what I did earlier, I reviewed every camera shot near my house, especially the time when I received the message. I checked and listed every plate number of the cars that passed by, and when I saw something, I paused the video.

Napakunot ang noo ko at ni-rewind ang video nang may dumaang itim na sports car sa harap ng bahay at huminto mismo sa may kabilang lote kung saan walang nakatira at nakatayong bahay. It was a vacant and for sale lot. I zoomed in the video and made it slower. Nang lumabas sa kotse ang isang babaeng nakasuot ulit ng purong pulang kasuotan ay nasagot na agad ang kanina ko pa na tanong.

I knew it. It was really her and not somebody from her people. She was holding a DSLR camera from afar, which my CCTV cameras can't reach; that's why she's there. Ang bilis niya kaming nasundan dito at hindi na ako magtataka na sa mga susunod na araw ay may hakbang na siya na gagawin.

I copied the video file on my laptop and secured it on my cloud storage. Naghanap pa ako ng iba pang makakatulong na videos. Ang pagpasok niya sa village, sa paglabas, at ang dinaanan niya. It was bad timing that there are no CCTVs on the highway kaya hanggang sa nandito lang siya sa loob ng village ang nakuha ko, but this will help.

I already told Marcu about everything that happened, and he's on his way here at this hour. He was so sorry because he was very busy earlier about the plan that I am making him finish and furnish, and he just read my message two hours ago. Nasa byahe na raw siya at ilan sa mga tauhan niya para magbantay at makatulong ko kung ano man ang nangyari at posibleng mangyari, which I am very thankful for.

DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon