45

109 3 2
                                    

It was as swift and fast as the wind. Right after I received the threat, I asked someone to distract Kean, Keana, and James so I could get my daughter, Manang Nita, and Mang Anton away from their attention. Hindi ko na sila pinag-abala pang ligpitin ang mga gamit namin at basta nalang umalis.

This blue-eyed woman is definitely a psycho-bitch. Alam na alam ko na gagawin niya ang banta niya sa akin, and I cannot just risk anyone. I only have myself in here—no guns, no men, and take note that I am protecting three people.

Anong laban ko sa kanya na siguro akong maraming tauhan? Masyado kaming dehado at masyadong delikado; hindi ko kakayanin. I trust my skills, but it has been two years. I haven't even trained for those past years, so I cannot just step my feet into an unknown and dangerous position.

Alam kong hindi lang ako ang puntirya niya kung hindi pati na rin si Kean dahil alam kong alam ng babaeng pula na iyon na mahalaga siya sa akin, but I know that he is safe. They will not make a move to trigger me. Their first move is their main target, especially since they know that I am an easy one since I am outside DWS' place and people.

I am absolutely sure that this red woman knows that I am now alone and hiding. She wants something from me, and I really don't know what or why. I do not know what I took away from this N.M. lady for her to seek revenge.

Isinukbit ko ang dala kong diaper bag ni Ayara sa balikat ko bago lumabas ng kotse. I stared at the mansion in front of me before deciding to go in.

Matapos kong matanggap ang kahon kanina at matapos mahila sina Manang, Ayara, at Mang Anton, kaagad akong nagdesisyon na umalis. We didn't even bring our things; it was just ourselves, important stuff, and one set of clothes. Hindi ko na pinatagal pa ang pananatili namin sa Batanes at napagdesisyunan na umalis agad. Sinabi ko rin naman kila Manang ang dahilan ko at naintindihan nila.

We used my helicopter to fly back to Manila, and right now, we are here at my mansion in Makati. Dito ko naisip na manatili dahil bukod sa wala nang naghahanap sa akin dito ay isa ito sa ligtas na lugar.

I installed a high-security system in this place years ago, so I trust the security level here. Walang basta-bastang makakapasok sa bahay ko kaya rito ko naisip na manatili. My problem is that I didn't bring any of Ayara's things. Just two pairs of clothes, five diapers, two feeding bottles, and five mixes of her milk. Wala siyang kahit anong gamit dito, unlike me, Manang and Mang Anton, kaya kailangan ko siyang ipamili agad. We even left her favorite toy and pillow kaya kanina pa siya nagta-tantrums sa byahe palang.

At isa pa, walang kahit anong pagkain ang nandito o miski tubig kaya kailangan ko talagang umalis kahit na delikado. Mabuti na lamang at malinis dahil may nag-aasikaso pa rin kaya hindi na namin kailangan pang gumalaw ng buong araw.

Pagkapasok ng bahay ay agad akong dumiretso sa dati kong kwarto na buhat si Ayara na natutulog na. Nakatulog siya dahil sa kakaiyak kanina dahil sa unan niyang naiwan namin. Ibinaba ko si Ayara sa gitna ng kama at pinalibutan ng unan. Sakto namang pumasok si Manang at lumapit sa pwesto namin. She sat on the right side of the bed and looked at me.

"Sige na, anak, bumili ka na ng mga kailangan ng anak mo at ng iba pa. Ako na ang bahala sa kanya," she said and smiled. Tumango ako sa kanya at hinalikan muna si Ayara sa noo bago nagpaalam. Isinukbit ko sa balikat ko ang sling bag na dala bago lumabas. Dumaan muna ako sa control room dito at binuksan lahat ng security system bago dumiretso sa garage. I quickly got one of my cars there and drove off.

I need to get fast because every second is important. Hindi ko alam kung kailan gagalaw ang N.M. na iyon kaya hindi ako pwedeng mahiwalay sa pamilya ko ng matagal, at isa pa, my daughter is not in her mood. Kanina pa siya may toyo dahil umalis kami ng beach at naiwan pa ang mga gamit niya. We're supposed to enjoy her day pero ganito ang nangyari.

DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon