Everyone loudly gasped because of what I did. Actually, I do not want to do this, but goodness! They're getting on my nerves, and I don't really have much patience!
I tilt my head a little and put a ghost smile on my face.
"Pwede bang manahimik ka? Hindi ikaw ang kausap ko," mahinanong sabi ko. Mabilis na tumango ang babae at tumakbo patago sa likod ni Mara. Agad namang ibinaba ko ang baril ko pero pinanatiling hawak iyon bago muling hinarap ang babaeng mas makapal pa ata sa naaspaltong daan ang pagmumukha.
"Mara, umalis lang ang Lola mo, feeling mo may karapatan ka na agad sa lahat? Who do you think you are?" I disgustingly asked as I looked at her from head to toe just like she looked at me when I first came to her because she's the one who opened the gate when I arrived.
"Umalis lang ang lola mo, akala mo ikaw na ang may-ari ng bahay. Ganito ba ang gawain mo noon palang? Nakakahiya naman sa 'yo, pero mas nakakahiya naman sa akin na may-ari ng bahay na 'to. Nakakahiya naman kasi ang kapal ng mukha mo." Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Unti-unting napawi ang takot sa mukha niya at napalitan ng inis. She stepped forward.
"Lola ko ang caretaker ng bahay na 'to! Buong buhay niyang pinagsilbihan ang mga Fuego kaya may karapatan—"
"That's the point, Mara. Caretaker, not the owner, because, truthfully speaking, ako na ang may-ari nito. And do you think I care kung buong buhay nandito ang lola mo? Do you think I care na pinagsilbihan niya si Mama at iba pang Fuego?" Don't get me wrong. I really do appreciate Manang Nita's dedication to the Fuegos but that doesn't still prove the fact that Mara here has all the rights to do what she wants in my house. I am indebted to her, but not to this bitch.
Mara is using her card incorrectly. She thought she had all the rights, but she has none. Maiintindihan ko pa sana kung nagpaalam siya, ang kaso ay hindi. Sigurado rin namang walang alam si Manang dahil magsasabi iyon sa akin kung sakaling nagpaalam ang apo niya.
What's the sense na secured ang bahay na 'to at nasa high end subdivision kung nagpapapasok siya ng kung sino-sino? Ni hindi ko alam kung kailan niya pa ginagawa ito. It's dangerous. It's fucking dangerous to let anyone enter this freaking house. Sana ay nagawi sa makitid niyang utak ang bagay na 'yon.
"I am the owner, and I have all the rights to do what I want inside my property. At alam mo kung anong gusto ko ngayon? Iyon ang lumayas ka at isama mo lahat ng alipores mo." Ang inis sa mukha niya ay nanatili, pero nawala ng inangat ko yung kamay kong may hawak ng baril at idinikit iyon sa noo niya.
"Lumabas kayong lahat kung ayaw nyong may bumaon na bala sa ulo ninyo," I warned. Para silang napako sa mga kinatatayuan nila habang isa-isa kong tinutok ang baril sa kanila.
"One," I started to count at mukhang doon sila natauhan. Lahat sila ay nagmadaling tumakbo papunta sa isang daan palabas ng bahay. Nanguna sa kanila si Mara at ang isang babae na nagtapang-tapangan kanina. Ni hindi nga nila mga nagawang magbihis. Mga basang-basa pa rin sila at naka-swimsuit lang.
Nang makaalis na sila sa harap ko ay ibinalik ko na ang baril sa may bag ko. Silly them, natakot sila sa baril ko na hindi manlang nakakasa.
I don't really talk, and I hate wasting my voice and words on people like them. What I usually do is shut my mouth and kill, but I know I can't do that. I am not in mission, and I still respect Manang Nita. I am not that crazy to kill Mara, well, perhaps, kung mas sinagad pa niya ang pasensya ko ay hindi ko na alam.
Masyado akong maraming inubos na oras at salita sa kanila, and I think this is also the first time that I expressed my anger through words.
Ang plano kong pag-alis ay hindi natuloy ng maaga. I went back to the house and went straight to the security room, where the CCTV camera monitors and security have been installed. Pinakielaman ko iyon at inayos ang security sa gate. I disabled the security that would let Mara enter my house using her keys. Ang tanging paraan nalang para makapasok ay kapag may specific sticker ka na ide-detect ng camera sa labas para makapasok. Iyon ang mga sticker na nasa kotse at big bike na nasa garage.
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
Ficción GeneralIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...