7

218 9 17
                                    

Other than being a woman with an Iwasaki surname, it also sucks to have zero knowledge on how to cook or to simply fry an egg. Pakiramdam ko ay mauubos na ang pasensya ko sa kakahintay ng order kong pagkain dahil ngayon lang ako natagal sa ilang minuto nang ganito.

Mukhang pati nga ang delivery boy ay natakot sa akin dahil tahimik ko lang inabot sa kanya ang bayad at kinuha ang pagkain. Ilang na ilang siya habang nagsasalita at nagpapaliwanag. He may think that I am frustrated na na-late siya ng 5 minutes sa pagde-deliver, but it wasn't about that. This is about the fucking food that I tried earlier!

After I fetched Mattheo earlier at the airport, I think that's where my day started to become grumpy.

"AKI!" Napatigil ang tangka kong pagbukas ng pintuan ng kotse nang may sumigaw sa pangalan ko. Agad na nilingon ko iyon at napakunot ang noo nang makita ang isang lalaking nakangisi habang naglalakad papunta ng pwesto ko. Who is he? I was about to get my gun from my pocket when another man showed up from behind. Napatanga ako nang makita si Kean.

What the hell?

Nakangiting lumapit sa akin ang dalawa. Ngayon ko napagmasdan ang kasama niya at nakilala na ito rin ang lalaking kasama niya kahapon noong nabangga nila ako. Kahit blur ang paningin ko kahapon ay natandaan ko ang facial features at ang boses niya, pero teka— "What the hell are you doing here? Don't tell me it's a fucking coincidence again?" I sarcastically asked. Sumandal ako sa may pintuan ng kotse ko. I crossed my arms in front of my chest and boredly looked at them.

"It is. Susunduin ko si Dad at Mom ngayon and I asked Kean to accompany me, and then we saw you. There's our car." Turo ng lalaki. Sinundan ko naman ang kamay niya at nakita ang Montero Sports sa may malapit.

"I don't care." I stood straight. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at pumasok sa loob, pero bago ko nasara ang pintuan ay narinig ko ang boses ni Kean.

"I told you, we will meet again, Aki, and see you again, soon." Napairap nalang ako at pabalyang sinara ang pinto. Binuksan ko ang makina ng kotse ko at pinaharurot paalis.

Ah, yes. Kean and his friend were the ones who started to make my day go bad. Nasundan pa iyon ng dahil masyado akong busy kanina sa ginagawa pagkauwi ay hindi ko namalayan ang oras. I am hungry as hell, but since I do not know how to cook and neither does Mattheo, I ordered our food.

I tried to look for a ready-to-eat meal in the fridge and saw one, pero sobra lang akong nainis sa sama nang lasa na 'yon, kaya nakadagdag pa iyon sa inis ko para sa araw na ito.

Napailing nalang ako. Totoo naman kasi na nasira nila Kean kanina ang umaga ko dahil sa paglapit pa niya at pagbanggit na tama siya at nagkita kami ulit. Hindi ko alam kung sinadya ba niya pero nakakainis! Walang dumaan na araw na hindi ko siya nakakabangga o nakikita, and it irritates me.

Tapos ay ang pagkaing walang kwenta na nasa refrigerator. Hindi ko alam kung sino ang bumili noon, pero nakakainis ulit! Sampung pack ang nasa ref no'n at tinapon ko lahat. Ano pang silbi kung hindi ko naman makakain, hindi ba? Takaw space lang, at wala rin namang makakakain no'n dahil sa lasa. Baka sumakit lang ang tiyan ng kakain.

I was done preparing the food that I ordered when I heard footsteps from the stairs. Kahit malayo ay rinig at ramdam ko. My senses are working all the time because I need to be careful.

Nakilala ko naman agad ang paraan at tunog ng paglalakad na iyon si I do not need to check it. Of course, kami lang namang dalawa ni Mattheo ang nandito at sa ilang taon na kasama ko siya, kabisado ko na ang bawat hakbang niya.

"The food's ready, let's eat," I said and sat down. Naupo naman agad si Mattheo sa katapat ko pagkapasok sa dining at nagsimulang magsandok ng pagkain.

"Did you cook this?" Napataas ako ng kilay nang magtanong siya. I unbelievably looked at him at doon ko napansin na nakataas na din ang kilay niya sa akin at naglalaro ang isang ngisi sa labi niya. Alam kong alam naman niyang hindi ako sanay magluto, alam kong nang-iinis lang din siya, pero dahil kanina pa ako badtrip ay hindi ko napigilan ang pagsimangot.

DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon