"Aki!"
"Akira, wake up, please!"
"Leila, she's just taking a rest, so shut your mouth."
"Aki!!!"
Nangunot ang noo ko nang marinig ang ingay ng mga boses na iyon kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang blurred na paligid dahil wala akong suot na salamin.
"Oh my God, thank you! Gising ka na!" Malamang. Who would be able to rest with that kind of noise? Agad na nilingon ko si Leila at nakita siyang nasa kanang bahagi ng kama na kinahihigaan ko. Alam ko na kanina pa lang na siya ang pilit na gumigising sa akin dahil nakilala ko kaagad ang boses niya.
Sinubukan kong bumangon pero napangiwi lang ako dahil sa sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko, magang-maga ang buong katawan ko at parang pumipintig iyon. Mukhang nahalata naman ni Leila ang gusto kong gawin kaya lumapit siya sa akin at marahan akong tinulungan. Sinuot niya rin sa akin ang salamin ko para luminaw ang paningin ko.
I let my eyes close for a second, and when I opened them again, I was sure that my face had already emptied the unwanted emotions, especially pain. I burst out when I had enough of Papa's punishment. Hindi ko intensyon ang mas galitin siya, pero gusto kong kahit na isang beses ay marinig at malaman naman niya ang gusto kong sabihin.
I never talked back at him like that. Iyon lang talaga ang una, at magiging huli.
I faced Leila and saw her crying again. Nakaupo na siya sa tabi ko habang nakatitig sa akin. Inirapan ko lang siya. Leila's like this. She's very emotional na kung makaiyak siya ngayon ay akala mo'y namatay na ako o nag-aagaw buhay. Rinig na rinig ko ang pagpipigil ng paghikbi niya.
"Stop crying, will you?" pagtataray ko sa kanya.
Unlike me, Leila's not hiding any of her emotions. Mabilis mong mababasa kung ano ang nararamdaman niya, pero once na nagseryoso na siya, kahit sa murang edad ay matatakot ka sa kanya. We taught her well, and I am glad that it turned out like that.
"H-how would I? Look what happened to you!" she shouted and cried harder. Napailing nalang ako at yumuko. Doon ko lang napansin na puno ng gauze bandage ang braso ko at may nakasaksak na dextrose sa likod ng kamay ko. Ang suot kong fitted body suit ay napalitan na ng maluwang na hospital gown.
I think when I lost my consciousness, dito agad nila ako dinala. Of course, stupid. You were almost beaten to death by your father, litanya ng isang bahagi ng isip ko sa sarili.
Mapait nalang akong napangiti. Kahit kailan talaga ay hindi nagmimintis si Papa sa pagpaparusa at pagpapamukha sa akin kung gaano ako kawalang kwenta para sa kanya, at kung gaano niya ikinahihiya na dala ko ang apelyido niya.
"Why is he like that?" Napaangat ako ng tingin kay Leila. She had already stopped crying but was still sobbing. Inabot ko sa kanya ang kahon ng tissue na nasa gilid ko. Agad naman niya iyong tinanggap at pinunasan ang mukha niyang puno ng luha.
I know who she's referring to, but I just kept my mouth shut. I guess they didn't hear me talking back to my father and revealing the reason why he hated me, at mabuti nang hindi nalang din nila malaman pa.
Ilang beses na ba nila akong nakitang sinaktan ni Papa? Simula nang makarating ako sa isla na 'to, sasadyain lang ni Papa na pumunta rito hindi para kamustahin ako, kung hindi gawin ang bagay na 'yon.
Whenever I fail and don't meet his expectations, he always beats me to death. Ilang beses nang nakita ni Leila ang bagay na 'yon kaya ganoon na lamang ang iyak niya. Bata pa lamang kami ay nakita na niya kung paano lumatay sa balat ko ang latigo ni Papa at kung paano umigkas ang palad niya palapat sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
General FictionIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...