I smiled as I put the pastel pink ribbon band on Ayara's hair. Inayos ko rin ang pagkakasuot ng white shoes niya at ipinasuot sa kanya ang pink sunglasses, pagtapos ay binuhat siya at pinatayo sa lapag.
"Ayan! You look so pretty now!"
"Naynay pwiti!" Ayara cheered, which made me laugh. Isinukbit ko sa balikat ko ang diaper bag niya at inilagay sa likod ang maliit na bagpack bago siya inakay palabas ng kwarto.
Today is Ayara's monthly check-up and we're going to fly to Manila. Mas pinili kong doon siya palaging ipatingin dahil hindi kagaya rito sa Batanes ay mas advance ang medical system doon. I want her to be fully checked. I want everything to be fine; that's why, even though it is kind of risky, nagpupunta pa rin kami sa Manila para sa kanya. Sa isang taon at mahigit naman naming pabalik-balik doon ay wala pang nakakita sa akin kaya masasabi ko na ligtas naman, pero syempre, may pag-iingat pa rin ang ginagawa namin.
Pagkalabas namin ng kwarto ay agad na nabungaran namin si Manang Nita at Mang Anton na naghihintay sa amin sa may living room.
"Naku, napakaganda naman talaga ng mag-ina na 'to!" Bungad sa amin ni Manang na nakapagpangiti sa akin. Agad na nilapitan niya si Ayara ay hinalikan sa noo.
"Anlaki-laki na talaga ng prinsesa namin! Parang kailan lang ay tangan-tangan pa kita, ngayon ay hindi ko na kaya at baka umandar ang tuhod ko," dagdag niya na nakapagpatawa sa amin ni Mang Anton. Kinuha niya sa akin ang dala kong diaper bag ni Ayara at isinukbit sa balikat. Binuhat ko naman na ang anak ko at sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay.
Dito kami dumiretso sa kabilang lote na binili ko rin kung saan matatagpuan ang helicopter na pag-aari ko para gamitin paalis ng Batanes. Mahihirapan kasi kami kung normal na transportasyon na eroplano ang gagamitin, at isa pa, madaling mate-trace ang location ko kung doon kami sasakay. I know the capabilities of the DWS, especially Leila's, and like I always say, I do not want to take a risk.
Alam kong hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin nila ako, and that was confirmed by Marcu too. Bigla na lamang akong nawala na parang bula. Walang pasabi, walang huling mensahe, at walang balita. DWS is not just a simple society; we treat each other as family, and when one is missing even for hours, we are doing our best to reach for them and to trace them, kaya paano pa akong dalawang taon nang nawawala?
I just do not want to make the others worried and pity me; that's why this is for the best. To keep on hiding is the best thing to do.
I kept my mouth shut and my problems to myself before, and I will still do the same up until now. I know that the DWS family can help me get through this and have the revenge that I wanted, but this is my own issue and problem, hindi na sila sakop dito kaya haharapin ko itong mag-isa kahit sobrang sira na ako at kahit sobrang lugmok na.
Mas may tiwala na ako sa mga desisyon ko ngayon dahil hindi ako nagpapadalos-dalos at siniguradong planado lahat. Kahit sobrang sira at wasak ako ngayon, I have Ayara with me, and she became my strength to fight. Sa kanya ako humuhugot ng lakas para gawin ang mga bagay na ito dahil para rin naman sa ikakabuti namin ito. Para sa ikakatahimik, at para sa ikapapatas.
Life is really unfair. Sometimes, the destiny will be in your favor, but sometimes it's not. In my case, destiny hasn't been in favor of me since the beginning.
Kung dati ay hinahayaan ko ang tadhana na magdikta at magpakita ng mga susunod na mangyayari, pero ngayon, kailangan ko na siyang unahan. Hindi ko na gustong maghintay pa para maulit na naman ang nangyari sa nakaraan.
I've had enough. Sobrang durog na durog na ako sa nangyari pero pinipilit kong bumangon para gawing patas ang laban. Kahit hindi ko na nagawang pulitin lahat ng piraso ko, kahit iisang bala nalang ang mayroon ako, lalaban pa rin ako hamggang sa maging patas ang laban o hanggang sa maka-ungos ako sa kalaban.
![](https://img.wattpad.com/cover/240216037-288-k176251.jpg)
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
Fiksi UmumIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...