39

118 4 10
                                    

I puff my cigarette and watch its smoke fade away into the air. The cold breeze of the air in the province is so soothing and refreshing, but yet, it didn't remove the heaviness that I was feeling in my chest. I tried to remove all the uneasiness and heaviness that I was feeling by breathing in and out, but it had no use.

I tucked the loose strands of my hair behind my ear before finishing my cigarette, pero bago ko pa iyon nailapit sa bibig ko ay isang malakas na batok sa ulo ang nakuha ko kaya nawalan ako ng balanse at nalaglag sa duyan na kinauupuan ko. I heard the loud gasps of the people behind me.

"The fuck?" Agad na tumayo ako at pinagpag ang suot kong damit bago nilingon ang bumatok sa akin. Ang nag-aalangang mukha ni Leila ang bumungad, at halata naman na siya ang may kagagawan kung bakit ako nalaglag.

Katabi niya si Stephanie na nakayuko, si Lois na nilalaro ang dulo ng buhok habang nasa malayo ang tingin, at si Valene na nakangiwi habang nakatingin sa akin.

"What's that for?!" I sighed to remove the irritation that I felt. Inapakan ko nalang ang sigarilyong hawak ko kanina para tuluyang mamatay. Good thing the place where I fell has good bermuda grasses; that's why I didn't have any scratches, at buti nalang din at hindi nasunog ang damo dahil sa sigarilyo.

"Ate Audrey's looking for you. Lunch is ready at masyado kang pa-very important person. Ikaw nalang ang wala, and bawal ka nang manigarilyo, remember? You promised us, so that's also my way to stop you, and you deserve that!" Leila said that, which made me raise an eyebrow. She quickly turned her back on me and pulled Stephanie with her. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang sa kanila dahil sunod-sunod na silang nag-aalisan at hindi na nagsalita pa.

Pagkarating sa may kubo rito ay nakita kong nakahanda na nga ang lahat at nasa tapat na ng kani-kaniyang pwesto. Kean went near me as soon as he saw me and gave me a peck on the lips.

"I missed you," he whispered, which made me chuckle. Sa simpleng salita niya palang at kilos ay agad nang nawala ang bigat na nararamdaman ko dahil sa kinahaharap na sitwasyon.

Kean always made me feel safe and fine. He always makes me calm at siya lang ang may kayang gumawa no'n. Now tell me, how can I even live my life without him? He's the one who can tame this vixen easily.

I sighed as I remembered my problem. It has already been a month since Papa and I talked. Malinaw sa akin ang banta niya na gagawin niya ang lahat para mapasunod lang ako kahit na manakit ng inosente, pero nanatiling matigas ako.

It has already been a month, and I kept that talk to myself. Only I, Marcu, Papa, and his two assistants heard about it. Wala akong pinagsasabihan dahil hindi ko gustong mandamay pa ng iba. I know my father very well. Sobra siyang tuso at walang sinasanto kaya hanggat maari ay sa akin nalang muna ang problema at isa pa, this is my own problem to solve and fix.

Sa loob ng isang buwan na nagdaan ay wala namang ginagawa pa si Papa na ikakasama ni Kean, pero hindi ko mapigilang mabahala. Masyado na akong kinakain ng takot at pag-aalala para sa kaligtasan ni Kean. Hindi ko alam kung kailan magiging tuso si Papa at gagawin ang plano niya.

I am doing my best to protect Kean now. Matapos ng engagement party ni Dmitri at Audrey ay sumama na agad ako kay Kean dito sa Pilipinas. He was so happy that I now decided to live with him. Magkasama kami ngayong nakatira sa bahay na binili niya para sa amin. Sa lahat ng pupuntahan niya ay nakabantay ako dahil sa takot na baka bigla na lamang may mangyaring masama sa kanya. Para na akong mababaliw sa pag-aalala at pag-iisip sa nangyayari.

Noong nakaraan pa rin ako nag-iisip ng magandang hakbang para hindi na talaga masunod ang gusto ni Papa, pero paano? Paano kung kahit anong gawin ko ay alam kong gagawa siya ng paraan para sirain iyon? Paano kung susubukan ko pa lang ay nakagawa na siya ng hakbang para pigilan?

DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon