14

164 6 19
                                    

"Akira..." mahinang tawag niya sa pangalan ko. I tilted my head a little but didn't remove the same expression from my face. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko kaya agad na nabura ang ngisi sa mukha ko. Inis na tinabig ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.

"Y-you're here. Oh, I missed you!" Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong kabigin papalapit sa kanya at ikinulong sa bisig niya. Napatulala ako nang maramdaman ang init ng katawan niya dahil sa pagkakayakap niya sa akin nang mahigpit.

"You're real! Ilang buwan na kitang sinusubukang tawagan, pero unreachable na ang number mo. Wala ka rin sa bahay mo and hindi nila alam—"

"Bitaw!" Malakas na tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. Ano na naman bang problema niya?! Nalukot ang mukha niya habang hindi pa rin naalis ang tingin sa akin.

So tama nga ang kutob ko kanina. The man from earlier is related to him. He's Kean's father and siya ang tinukoy ng kasama nito na nakabili na ng ticket.

Of all the places and countries, rito pa talaga sila nagbakasyon? I mean, I know that's out of control, but seriously? At ngayong araw pa talaga? At iniadya pa na magkita kami?

"Tama nga ang hinala ko na rito kita sa Japan makikita." That made me raise an eyebrow. How can he be so sure? Pwede namang nandito lang din ako para maglibot?

He stepped forward to reach me, pero humakbang lang ako paatras. I crossed my arms in front of my chest. Hanggang ngayon, naiirita pa rin ako sa presensya niya at saka kung makapagsalita siya ay akala niya atang close kami.

Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya sa akin? Should I slap him so he would know that we weren't even close? Ano bang akala niya? Na porket nakuha na niya ako ay normal na ang lahat sa pagitan namin? I know that we haven't talked about what happened between us, dahil sa bawat pagsubok niyang kausapin ako ay pinagtutulakan ko siya palayo, pero malinaw naman na kasi ang lahat. Nakuha na niya ang gusto niya sa akin kaya bakit ba siya naghahabol pa?

Hindi nakaligtas sa akin ang balita na hinahanap ako ni Kean sa bahay ko sa Pilipinas. Manang Nita called me and told me about Kean's multiple visits there. Nakakailang balik daw sa isang linggo si Kean at hindi nagmimintis na magbakasakali na nandoon ako. For the months that I left the Philippines, wala siyang kapaguran na hinahanap ako. Sinabihan ko naman ang mga nandoon na huwag babanggitin ang totoong apelyido ko at kung saang bansa ako nakatira.

Napabuntonghininga siya at napapikit. Lumamlam ang mga mata niya nang muli niyang ibaling ang atensyon sa akin.

"Matagal na kitang hinahanap, Akira. I want us to talk. I missed you so—"

"Kean, baby!"

Naputol ang balak niyang sabihin nang may babaeng tumakbo palapit sa kanya at biglang lumingkis sa leeg niya. The woman has a petite body. Matangkad din ito at maputi, halata sa mukha niya na Japanese siya dahil na rin sa maliit niyang mga mata, pero hindi tulad ng isang normal na Haponesa ay malaki ang dibdib niya na halatang peke naman. Napangiwi ako nang halikan ng babae si Kean sa harapan ko na para bang wala sila sa public place. That's so fucking gross.

Nandidiring umiwas ako ng tingin at saktong paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko si Mattheo. Nakatingin siya sa akin at naglalakad palapit sa pwesto ko.

"I knew it! You will follow me here! You really love me and missed me, huh?" the woman said. Rinig na rinig ko ang accent niya sa pagsasalita.

"I—I..." Napataas ang kilay ko at muling bumaling kay Kean. Sinalubong ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hinahanap pala ako, ha? Hinahanap pero iba ang sinundan. Mas lalo akong nayamot dahil doon. He's really good at lying. He's really a fucking asshole, a jerk, and a liar. Sayang ang itsura niya, mukha sana siyang maamong tupa ang kaso ay lumalabas ang tunay na kulay kapag may babaeng kaharap.

DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon