I clenched my fist as I walked to the living room. Natigilan ang dalawa sa pagtatawanan nang makita ako at nang marinig ang pagsigaw ko kanina. I irritably throw my bag on the couch and put the paper bag on the table as I stand in front of the two and cross my arms.
"Care to explain why you allowed him to go here, Leila?" I asked the brat. Napasimangot siya sa akin at tumayo.
"He just wanted to see you. Nag-alala siya sa 'yo—"
"Gusto mo ba talagang ibalik kita sa island at hayaan na mag-isa ka roon? You're really testing my patience." I didn't like what Leila answered, so I cut her out. Mas lalo siyang napasimangot at nagdabog paakyat ng hagdan. Sinundan ko lang siya ng tingin at nakita si Mattheo na nanonood lang pala sa may taas. I raise an eyebrow at him and mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya sinundan niya si Leila papunta sa kwarto nito.
Ibinaba ko ang tingin sa lalaking nakaupo sa harapan ko. Nakamasid lang siya sa akin kaya hindi ko na naman napigilan ang mainis. What the hell does he want again?! At talagang sumama pa siya hanggang dito sa penthouse ko! Kung hindi ba naman makapal ang mukha niya!
I raised my hand and pointed to the open door.
"Out." With that, he stands up from his seat, so I have no choice but to step backward. Masyado siyang malapit! Naiirita ako sa presensya niya!
Kunot ang noong nakatingin siya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang pag-arko ng kilay ko para maitago ang pagkailang. Masyadong malalim siya kung tumitig na para bang ano mang oras ay may hindi kanais-nais siyang gagawin.
"What happened to your lips?" I didn't even catch it because he only whispered it.
"H-huh?" napaiwas ako ng tingin ng kumunot din ang noo niya habang nakatingin. He raised his arm like he would touch me kaya bago pa niya maabot ang mukha ko ay hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya. Mabilis na ini-lock ko ang braso niya sa likod niya at tinulak.
"O-ouch! Easy there, vixen, baka mabali ang braso ko!" Napairap nalang ako sa pagrereklamo niya at tinulak papunta sa may pintuan. Wala naman siyang ibang nagawa kung hindi ang maglakad. Malakas na itinulak ko siya palabas dahilan para muntik pa siyang masubsob.
I smirked upon seeing him massage his arms.
You're a brute, but I love it," he said, erasing the smirk on my face. Peste talaga 'tong lalaki na ito! Alam na alam niya kung paano ako inisin!
"Don't you dare come back here, Kean. Hindi ka welcome sa bahay ko, at isa pa, palaging nasisira ang araw ko kapag nakikita kita, so fucking get lost and do not ever try to talk to me again." Pabalibag kong sinarado ang pinto. Sunod-sunod naman ang naging pagkatok niya at ang pagdo-doorbell pero asa siya na pagbuksan ko pa.
I make my way to the living room and remove my jacket. I really can't believe that Leila let him go here. Bukod sa alam na niya ang number ko, alam niya pa kung saan ako nakatira. Masyado talagang nakakatuwa sa punto na gusto kong pagdikitin na silang dalawa.
Kinuha ko ang bag ko na inihagis pati ang paperbag na may laman ng damit ko kanina at umakyat sa itaas. Dito agad ako dumiretso sa kwarto ni Leila at pumasok.
Naabutan ko siyang nakaupo sa may kama niya habang si Mattheo ay nakasandal sa may pader. Naglakad ako papunta sa harap niya kaya napatingin siya sa akin. Leila's still frowning at me, which made me raise an eyebrow.
"What was that?" I asked.
"I'm just helping you have a boyfriend! He absolutely likes you; that's why I'm helping him!" she answered, which made my jaw drop. Ang pagtawa ni Mattheo sa may gilid ay hindi nakaligtas sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Isa pa 'to! Siya ang kasama ni Leila kanina, and I can't believe na pumayag siyang dalhin si Kean dito at pagtaguan ako kanina!
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
General FictionIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...