I clenched my fist as I heard his irritating voice calling my name again. I stopped from walking at napapikit ako nang bumangga siya sa likod ko. Great. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong kunin ang baril sa bag ko at ibaon sa ulo niya ang bala no'n.
"Can you stop following me?" I said as I turned my back to face him. Tumaas ang kilay ni Kean dahil doon. Wala na ang babaeng nakalingkis sa kanya kanina dahil mukhang nainis sa pagsunod-sunod sa akin ng kasama niya. Humakbang palapit sa akin si Kean kaya awtomatiko akong napaatras.
Kanina pa talaga ako nagpipigil ng inis. Simula ng encounter namin doon sa may shooting game ay akala ko'y iiwasan na niya ako, pero nagkamali lang pala ako ng hinala. Kanina pa siya sunod nang sunod na akala mong ako ang nanay nya at mawawala siya once na maalis ako sa paningin niya.
Mas lalo kong nagngingitngit sa galit dahil kanina, nagpaalam sina Leila at Mattheo na babalik sa parking para ilagay sa kotseng dala ni Mattheo ang stuffed toys na napanalunan namin, at ang dalawang magaling, hindi na nila ako binalikan.
Hindi ko alam kung nasaan ang dalawa na iyon pero sigurado akong pakana ni Leila na iwan ako kay Kean. She knows him. Nakalkal na niya noon pa ang ilang information ni Kean noong hinanap nila ako at nakitang siya ang kasama ko.
Isang oras na akong nag-iikot dito at hinahanap sila. They aren't even answering my goddamn fucking calls. Sa sobrang laki nitong Disneyland ay hindi ko alam kung saan sila hahanapin, at napipikon na talaga ako!
"I won't stop, Akira. Ngayon lang ulit kita nakita and I will still follow you until you let me talk to you properly." I clenched my fist because of that. Damn this man and his nerves!
"Kutabare (Fuck you)," I cursed him and started to walk away again. Lahat ng mga binanggit na lugar ni Leila kanina na gusto niyang puntahan ay roon ako tumungo pero mukhang pinaglalaruan talaga ako ng dalawa at ni anino nila ay hindi ko makita.
Inis na napasabunot nalang ako ng buhok ko at kinuha ang phone ko. They are reachable, ayaw lang talaga nilang sagutin. Inis na nag-iwan ako ng message sa kanilang dalawa saying na kapag hindi pa nila ako pinuntahan dito sa pinasukan kong coffee shop ay uuwi ako at ilalabas lahat ng gamit nila sa penthouse ko.
I smirked after I sent the message. Sigurado akong pupuntahan na nila ako. They know me very well. Alam nila kung gaano kaikli ang pasensya ko and I am capable of doing that lalo na at ang pagpapatuloy ko sa kanila sa penthouse ang usapan. Lalo na si Leila, alam kong hindi niya na gusto sa isla pero kung ito lang talaga ang way na magpakita sila, then so be it.
Napabuntonghininga nalang ako at binalik ang phone ko sa bag. Pumasok na ako ng shop at lumapit na rin sa may counter at umorder ng drink. Masyado akong nauhaw sa kakalakad kaya mabuti nalang at dito ako napadpad.
After paying and getting my order, pumwesto ako sa may katabi ng glass wall. I sipped my drink and looked outside. Hindi sobrang maaraw at ang ganda ng panahon ngayon dito sa Japan kaya hindi nakakataka na dinadayo talaga ang bansa na 'to lalo na ng mga gustong mag-unwind o magbakasyon.
Pinanatili ko ang mata ko sa labas kahit na ramdam ko at rinig ko na may umupo sa katapat ko.
"Akira." Here we fucking go again. Ibinaba ko sa table ang iniinom ko at sinalubong ang titig niya. Sinigurado akong walang mababakas na kahit anong ekspresyon sa mukha ko, walang inis o pagkapoot sa kanya na palagi kong nararamdaman, just blank.
He looks like he got intimidated by my stares; that's why he gulped and scratched the back of his head.
I sighed before talking. "What do you really need from me? Nakuha mo na ang gusto ko sa akin, Kean. We already had sex, ano pa bang hinahabol-habol mo r'yan?" I plainly asked na para bang hindi malaking bagay ang nawala sa akin. Gusto kong tampalin ang sarili ko kasi para bang napaka-normal sa akin ang magsalita ng ganito.
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
Ficção GeralIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...