"Let me go, Kean!" Mabilis na hiniklat ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya nang matauhan ako mula sa panghihila niya sa akin. I just realized that I was being pulled over when I heard his car honk when he pressed the key.
Mabilis na hinarap niya ako at nakita ko kung paano tumiim ang bagang niya nang sinalubong niya ang titig ko.
"What the hell is your problem, and why did you punch Marcu!?" Nilagyan ko ng diin ang bawat salita ko para malaman niya na galit ako sa ginawa niya kanina at sa paghila niya sa akin ngayon. The fuck's wrong with him! Bigla niyang hinila palayo si Marcu sa akin at sinapak, at hindi pa siya nakuntento at hinila pa ako palayo! And why am I even seeing him mad right now? I did nothing, and I should be the only one who should be mad!
"What kind of sick game is this, Kean? Tell me." Hindi manlang natinag si Kean na para bang wala nalang sa kanya ang nararamdaman kong inis. He didn't even blink when my voice turned ice cold and my face emotionless, unlike before, when he was easily swayed by it. He really changed.
Tinalikuran niya ako at may kinuha sa loob ng kotse niya. Inis na pinanood ko ang bawat kilos niya, hanggang sa pagbubukas niya ng bottled water at pagbasa ng panyo niya.
Nabigla ako nang mabilis siyang lumapit sa akin at ipinunas ang panyo sa labi ko. Marahan lang ang ginagawa niya pero kitang-kita ko ang galit at inis sa mga mata niya kaya dahil doon ay tinulak ko siya palayo sa akin.
I wiped my lips with the back of my hand and angrily looked at him. I really don't get him!
"Ano ba talagang problema mo, Kean? Tell me, ano na naman ba ang gusto mong mangyari at palabasin? Ako na ang umiiwas—"
"That's the point, Akira!" Napaawang ang labi ko nang sigawan niya ako pabalik. Mukhang nagulat din siya sa paninigaw niya sa akin kaya agad siyang napahilamos ng mukha at gigil na ginulo ang buhok.
"Look, I don't know why, but I do not want to see you being kissed by someone," dagdag niya mas lalong nakapagpaawang ng labi ko. Ano na naman ba ang pinagsasasabi niya at gustong ipunto?! Naiyukom ko nalang ang kamao ko dahil pakiramdam ko ay ano mang minuto ay sasabog na talaga ako sa inis. I've lost all my years of controlling my emotions because, in just one snap, Kean broke it!
"Well, that someone you are talking about is my boyfriend and has the full rights to do it! He can even kiss me not just on my lips but on other parts of my body! He is my boyfriend, and he can take me—" Bigla akong napatigil sa pagsasalita ng tinawid niya ang distansya namin at mariin akong siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Ramdam ko ang gigil sa bawat paggalaw ng labi niya kaya bago pa ako madala sa isa sa naging kahinaan ko noon ay malakas ko siyang tinulak at pinadaplis ang kamay ko sa mukha niya. Napasapo siya sa nasaktang pisngi at mukhang natauhan sa ginawa.
"Fuck you, Kean! Ano ba talagang problema mo—"
"Ikaw ang problema ko, Akira!" Napapikit ako at sinubukan ikalma ang sarili ng hindi na naman niya pinatapos ang gusto kong sabihin. Hindi ko na napansin ang sinabi niya dahil sa inis ng pagputol niya sa bawat sasabihin ko. How can we even talk properly if he keeps cutting me off!
Napahalukipkip nalang ako at pinanood ang pabalik-balik na paglalakad niya sa harapan ko na para bang kinakalma rin ang sarili. Sunod-sunod na sinuntok niya ang kotse niya bago muling humarap sa akin.
Nababasa ko ang emosyon niya. Nakikita ko ang inis, galit, at lungkot sa mga mata niya na hindi ko alam kung bakit at para saan. His eyes are full of unwanted and chaotic emotions, for which I don't know why.
"Narinig mo ba ang sinabi ko kanina, Akira? You are my problem! Ikaw, dahil bigla mo akong nilayuan at iniwan na para bang patapong bagay lang! Ikaw ang problema ko dahil kahit na pilit kong binaling sa iba ang atensyon ko ay isang kita ko palang sa 'yo, bumabalik ang lahat kahit na ilang beses mong bastang itinapon ang nararamdaman ko para sa 'yo! Hirap na hirap akong kalimutan ka, tapos ikaw, babalik na parang walang nangyari at may bago na? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Hindi ko magawang kalimutan ka, pero ikaw, m-masaya ka na pala sa iba!" Napamaang ako sa sinabi niya. Napapikit ako nang ilang ulit at sinubukang iproseso ang sinabi niya pero tila ba ay nablangko akong bigla. Ano na naman ba ito? Ano ba ang sinasabi niya?
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
Ficção GeralIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...