"Welcome home!" Leila shouted in a jolly tone as soon as Mattheo and I got out of the helicopter. Agad na napairap ako. Alam ko naman ang purpose ng pagsundo niya sa amin dito sa helipad.
"Dala n'yo na ba ang mga pasalubong at pinabili ko?" See? She started to eye the luggage that I have. Napairap nalang ako at dumiretso pababa ng hagdan. Kinuha naman niya sa akin iyong isang luggage at sumunod.
Ngayong ang araw kung kailan tapos na ang paglalaro ko sa Pilipinas. I already finished my project on putting tight security in the Classicó bar. Halos isang linggo at kalahati rin akong nanatili sa Pilipinas dahil doon.
Dinamay ko na rin ang pag-aayos ng security ng bahay ko. Manang Nita came back and said she was sorry. Tinanggap ko siya pero hindi si Mara. Hindi ko na hinayaan na makatuntong pa sa pamamahay ko si Mara matapos niya akong sagot-sagutin. May kasama pa naman ding dalawa pang katulong si Manang Nita na pinakuha ko kay Atty. Smith.
Pagkarating namin sa tapat ng sanctum, isa-isa naming ini-scan ang hand print namin para makapasok. We made our way to the end of the hallway and rode the elevator.
Pagdating naman sa second basement floor, nagpaalam na kami ni Leila kay Mattheo. Leila will accompany me to my room. She was excited to see her stuff, kaya nangunguna pa siya sa akin sa paglalakad.
Pagkapasok namin sa kwarto ko, mabilis siyang umupo sa carpeted na sahig at binuksan ang luggage na dala niya.
"Yay! Another Chanel hair bandeau! Thank you, Aki!" Leila said as she saw the Chanel box that contains the bandeaus that I brought for her. Nginitian ko nalang siya nang tipid at inayos ang gamit ko.
Nilagay ko ang laptop ko at phone sa may study table at chinarge pareho. Ang dalawang pares na damit na dala ko ay ibinalik ko rin nang maayos sa lagayan. This is all that I've brought with me. Isang bag lang ang dala ko pagpunta ng Pilipinas, pero dahil sa dami ng gusto ni Leila ay naging dalawang luggage iyon.
Napapatingin nalang ako kay Leila kapag tumitili siya dahil sa mga binili ko sa kanya. Halos itaob na nga din niya ang luggage na may lamang mga pasalubong niya.
I spoil her too much, I know, but I love seeing her happy face whenever I give her the things that she wants. Parang nakakabatang kapatid ko na rin siya kaya ganto nalang ako sa kanya. I also want her to experience a normal life even she's here kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko para iparamdam sa kanya na normal na teenager pa rin siya.
Mas lalong lumakas ang pagtili ni Leila nang makita niya ang bagong phone at iPad na binili ko para sa kanya. Halatang ito ang pinakagusto niya sa lahat dahil noong nakaraan ko pa siya nakikitang tinitignan iyon sa internet.
Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay ibinigay ko na rin sa kanya yung mga delicacies na gusto niyang matikman tulad ng strawberry jam, ube jam, pili nuts, dried mangoes, at iba pa. I also bought something for myself kaya inilagay ko na iyon sa mini fridge ko rito.
Nang matapos pagsawaan ni Leila ang pagtingin sa mga binili ko, ibinalik niya iyon sa luggage. She went near my bed and sat beside me.
Kasalukuyan kaming nakaharap ngayon sa makapal na glass wall at nakatanaw sa payapang dagat sa harap namin.
"So, how's your stay in the Philippines?" she asked. Saglit na nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"It was good." Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit. Nakakaramdam na ako ng antok. Masama kasi ang pakiramdam ko dahil basing-basa ako ng ulan kahapon at hindi ako nakapagbanlaw nang maayos o nakapagpalit manlang. Naisipan ko kasing maglakad para umikot sa city at hindi ko naman inasahan ang biglang pag-ulan. My immune system isn't weak, pero tinamaan ako ng sakit.
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
General FictionIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...