I already had a plan on how to gather information about Ms. Audrey. Basic information about her can be given by my computers, while the deeper ones will come from Kean. It's just that I only had one problem.
Napasintido ako at pinigilan ang inis. Kanina pa nag-iinit ang ulo ko at balak ipalo sa ulo niya ang remote ng TV pero nagpipigil ako. Napabuntonghininga ako at nilingon si Kean.
Siya mismo ang problema ko. He's the key to my problem, but his existence irritates the hell out of me. Naiinis ako sa mukha niya. Naiinis ako sa presensya niya. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung paanong pagtitimpi ang gagawin ko para makasundo siya. He's very flirty and clingy, for crying out loud! He doesn't even act like a 20-year-old grown man. Tingin ko nga ay mas matured pa si Leila kaysa sa kanya.
He was sitting beside me while eating his ice cream. Earlier, when he called, he asked me if he could come over and bring a dessert. Hinayaan ko siya dahil ang plano ko ay makipaglapit hanggang nandito siya sa Japan para pagkatiwalaan niya ako ng impormasyon tungkol sa matalik niyang kaibigan, pero kanina pa ako naiinis dahil kahit maluwang at maraming couch, dito pa talaga niya napiling magsumiksik sa tabi ko.
This is what I'm talking about. Kanina ay yumakap pa siya pagdating na ikinairita ko talaga, pero tiinis ko. Sinusubukan niya pa akong akbayan kaya kanina ko pa kinakabig ang braso niya palayo sa akin. Ang landi niya.
Kanina ko pa siya gustong itulak pero wala akong magawa dahil kailangan ko siya. Calm yourself, Akira, you need him. You need his help.
Bumangon ako mula sa pagkakasandal at kinuha ang ice cream ko na nasa center table. I scoop a good amount of it before bringing it to my mouth. This chocolate matcha ice cream is so good that it made me calm a little. It's a good thing that he knows my favorite ice cream flavor, or baka tinanong niya kay Leila bago bumili. Napipigilan ng ice cream na dala ni Kean ang inis ko sa kanya kahit papaano.
Binaling ko ang tingin ko sa TV ay pinanood ang nandoon. Connected ang TV sa flash drive ni Kean kaya ang movie na nandoon ang pinanood namin. He said nothing on Netflix is interesting kaya naghanda na raw talaga siya.
The movie was entitled 'A Walk to Remember'. It was the story of a woman and a man named Jamie and Landon. They have a cliché love story like what Leila always told me about. A normal or shy girl paired with a handsome bully guy. Wala akong hilig manood ng movie at pang-ilang beses ko lang ito kaya ang nakakuha lang ng atensyon ko ay ang pangbu-bully sa babae using an edited photo. My brows were knotted at the time.
The fucking photo really looks edited. Hindi ko alam kung paano naniwala ang lahat doon. Nagtatalo kami ni Kean kanina dahil sa scene na iyon. Kahit ata bata kayang gawin ang edit na 'yon sa movie! I just can't believe na may naniniwala doon. Good thing the man in the movie saved his damsel in distress. The man changed from a bully to a well-behaved man.
"Love can really change someone," Kean said out of nowhere. Kumunot ang noo ko at bumaling ng tingin sa kaniya. He was still eating his ice cream, but his eyes were stuck on the TV screen.
Binalik ko ang mata ko sa pinapanood. Nandito na kami sa part na kahit may sakit aong babae ay tinanggap siya noong lalaki at pinakasalan. I think Kean spoke his words earlier because he caught something on the movie. I didn't respond because I didn't know what to say.
I don't know anything about love. Wala akong ideya sa mga romantic love tulad ng mga karakter sa palabas kaya pinili ko na lamang manahimik. Hindi ko nga rin alam kung magkakaintes ako sa bagay na iyon.
"I suddenly remembered Tita Saige because of this movie." Natigilan ako sa sinabi ni Kean kaya muli ko siyang nilingon. Kasalukuyan na siyang nakatingin sa akin at nakangiti. Lady Saige. Siya ang nanay ni Ms. Audrey at asawa ni Mr. Wilson. Of course, he knows her kaya nga sila magkaibigan ni Ms. Audrey ngayon.
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
General FictionIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...