"Do you like it here?" I arched one of my eyebrows and crossed my arms in front of my chest while looking at Leila, whose mouth is already wide open as she roams her eyes around the place.
"Oh my gosh!!!! What kind of question is that, Aki?! Of course, I do!" Leila shouts in excitement, which made my face crumple. Ang lakas ng pagkakasigaw niya na para bang walang ibang tao sa paligid. Nagpatalon-talon pa siya dahil sa tuwa, but because of her priceless reaction, it made me happy.
Instead of bringing her to a mall again na palagi naman siyang nandoon, dito ko siya dinala ngayon sa Tokyo Disneyland kagaya ng pinangako ko sa kanya noon. At isa pa, I already finished my paper work, kaya libre ang araw ko ngayon.
Si Mattheo ay minessage ko na para sumunod agad sa amin. He doesn't want to go at first, but when I told him that this is for Leila, he said that he will just call me kapag malapit na siya.
See what Leila did to us? Nakababatang kapatid na ang turing naming sa kanya kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod at binibigay namin dahil pareho naming hindi gusto ni Mattheo na matulad siya sa amin na nakakulong ang mga emosyon at nilalayo ang sarili sa totoong buhay. Leila's still young. She's just fifteen, and now that she's not caged on the island anymore, hindi pa huli ang lahat para ma-experience niya ang buhay rito sa labas. At siguro.... pati na rin ako.
"Thank you, Aki—ay sorry po!" Napapikit nalang ako dahil sa sobrang pagkatuwa ni Leila ay may nabangga siyang lalaki. Agad na lumapit ako sa pwesto nila at hinarap ang nabangga niya.
"I'm sorry for my sister's clumsiness, Sir," paghinging paumanhin ko at bahagyang yumuko. Ginaya naman ako ni Leila at humingi rin ng pasensya roon sa lalaki.
"It's okay, ladies," the man said. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. The man is smiling at us. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang itsura niya sa akin. Sobrang pamilyar dahil kamukha niya ang lalaki na pilit kong inaalis sa utak ko sa nagdaang ilang buwan.
Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang siraan ang araw ko noong nasa Pilipinas ako, at ang lalaki na nakakuha sa akin sa iilang araw na pagkakakilala namin. The man's face is already carved in my mind.
"Gray, love, let's go! Nakabili na si Kean ng mga ticket!" A voice from his back said. Agad niyang nilingon iyon kaya mabilis ko namang hinila si Leila paalis sa harap niya. Ipinikit ko ang mga mata ko habang naglalakad kami papasok sa entrance.
The man has the same face as Kean. Alam kong hindi ako nagkakamali dahil kahit pilit kong inaalis siya sa utak ko ay palagi pa rin siyang pumupuslit. Kamukhang-kamukha ng lalaking iyon si Kean at narinig ko pa na may nangbanggit ng pangalang Kean sa kasama niya.
Ipinaling ko ang ulo ko. Maraming magkakamukha sa mundo, hindi ba? I think masyado lang akong paranoid para isiping tatay o related kay Kean ang nakaharap ko. Yes, they are not related. Paniguradong mali lang ako ng iniisip.
Nang makapasok kami ni Leila sa loob ay agad niya akong hinila para picture-an siya. She gave me her phone and I took a photo of her sa lahat ng gusto niyang maging background ng picture niya. She said that she will post this on her social media accounts at tiyak daw na aani ng likes sa mga followers niya.
Sometimes, I don't get her. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang ibalandra ang mukha niya sa social media sites na iyon. Hindi ko man nakikita ang ginagawa niya pero dahil palagi ko siyang nakikitang nagpi-picture ay naaalibadbaran ako. I mean, kahit ang pagkain niya o kahit coffee ay pi-picture-an niya. Dapat din daw na pati ang mga Outfit of the day or OOTD niya ay makikita ng followers niya. I really don't get it. Teenager nowadays.
Nang makakuha siya ng maayos na picture na ipo-post ay hinila na naman niya ako. I just rolled my eyes and followed her. We went to the sweetheart café and ordered food, and as I expected, Leila took a photo of it. The coffee that I ordered is served in a cute cup, and even the cupcake has a Mickey Mouse design.
![](https://img.wattpad.com/cover/240216037-288-k176251.jpg)
BINABASA MO ANG
DWS III: The Vixen (UNDER REVISION)
Ficção GeralIn order to gain the life, and the revenge she wanted, she made and turned herself into a person that she didn't thought she would be. She is THE VIXEN. - Carrying all the pressure of being an Iwasaki, Akira grew up as his father's puppet. His words...