CHAPTER 18

26 7 0
                                    

   "Love. do i look pretty?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya napangiti naman sya tsaka tumango "Palagi naman." ani nya kaya napangiti ako

Almost 2months na din ang nakalipas simula naging kami ni Ian.
Sa loob ng dalawang buwan na yon. Wala kaming pinag-awayan.
Minsan may tampuhan pero mas madalas naman naming pinipiling ayusin.

   "Anong plano mo ngayon ?" tanong nya habang nilalaro ang daliri ko "Hmmm? Date? Mas gusto kong magcelebrate ng tayong dalawa lang eh" ngiting sagot ko.

  "Sure? Baka naman magtampo yung mga yon pag di natin sila sinama?" tanong nya

  "Maiintindihan nila yon. Aantayin kita mamaya ah?" ani ko tsaka sya hinalikan sa pisnge "Oo. Darating ako ng maaga" ngiting sagot nya naman tsaka na lumabas

Kumaway lang ako sa kanya at pumasok na rin sa loob.

   "Ano kayang susuotin ko ?" tanong ko sa sarili ko habang nagtitingin tingin sa closet ko.

  "Eto kaya?" ani ko sabay abot ng black fitted dress na kita likod "nah. Masyadong revealing" bulong ko sabay balik ng dress na yon

Halos ilang minuto din ang tinagal ko sa pagpili nang damit
Ano ba naman yan ang dami dami kong dress ni isa wala akong mapili
Hanggang sa nakita ko yung regalo sakin ni mommy nung birthday ko

Black dress din sya pero mas maganda to kesa dun sa isa eto nalang

Nang makapili na ko nang susuotin ay nahiga muna ako sa kama para magpahinga
Nakakapagod kaya magkalkal nang damit

Nasa ganung sitwasyon ako nang may tumawag sakin
Agad ko namang kinuha yung phone ko sa side table nang kama ko

  "Hello?" tanong ko nang di tinitignan kung sino yung tumawag

  "It's been a while rein" rinig kong sabi nang nasa kabilang linya

Napakunot naman yung noo ko tsaka naupo "sino to?" takang tanong ko

  "balita ko. may boyfriend kana ah?" natatawang tanong nya kaya mas lalo akong nagtaka

  "Sino ka ba?!" inis na tanong ko

  "grabe hindi mo na agad ako kilala?" kunwaring malungkot na sabi nang nasa kabilang linya

Napatitig naman ako sa screen nang phone ko

0981*******

  "sino ka nga?!" inis na sabi ko tangina ayaw nalang magpakilala eh

  "malalaman mo din soon" sabi nito sabay patay nang kabilang linya

Inis na ihinagis ko nalang yung telepono ko sa unan tsaka nahiga

Sino kaya yun?
Pamilyar yung boses nya pero hindi ko sya kilala.
Hindi ko sya maalala

Sa sobrang inis ko nagpunta nalang ako nang banyo para maligo
Pagpasok ko agad kong binuksan yung shower

  "sino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko habang nakatulala

Napapikit nalang ako sa inis nang hindi ko talaga sya maalala
Tinapos ko nalang yung pagligo ko tsaka natulog

Halos 5:50pm na nang magising ako kaya agad akong napabangon tsaka nagmadaling magbihis

Jusko 6 ang usapan namin napasarap ata tulog ko hays
dali dali naman akong nagbihis at nag ayos nang sarili ko

6:05 nang matapos ako kaya bumaba na ko para antayin sya

Ilang minuto lang ay bumukas na yung pinto

  "Love sorry late ako. natraffic kasi eh" nagmamadaling sabi nito

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now