"Sumainyo ang panginoon"
*At sumainyo rin"
Andito kami ngayon sa simbahan dahil dito na namin napagdesisyon na dumaan pag ka tapos namin kumain kanina.
Tapos na rin naman kami magshopping at naibili naman na namin lahat ng pangangailangan ni Ian kaya nagsimba na rin kami.
Gusto din naman ni Ian magsimba para daw makapagpasalamat."ikaw ah. tinotoo mo nga yung sinabi mo sakin kaninang umaga. tsk tsk" mahinang bulong ni Jo sa tabi ko at para na namang tangang ngingiti ngiti.
"Wag ka ngang maingay.. hanggang sa simbahan ba naman" suway ko sa kanya
"Papaliwanag mo yun sakin mamaya hmmmpf!"
Napapikit nalang ako at muling tumingin sa harapan.
Nasa gitna ako nilang dalawa nasa kanan ko si Ian at nasa kaliwa ko naman si Jo.
Nasa kalagitnaan na kami ng misa ng may biglaang dumaan sa harapan namin.Oh god. Bakit hinahayaan mong makapasok ang kampon ni satanas dito sa tahanan mo?
Nagpapakabuti na po ako. pero talagang ang mga demonyo ang kusang lumalapit sa akin
"Dito na tayo babe." ani nitong babae sabay hinto sa bakanteng upuan sa tabi ni Ian
Napatingin naman yung lalaki at tumingin samin.
"Look who's here. nagkita na naman tayo" bati ni theo sabay upo
Katabi ni Ian yung jowa nya, kaya medyo malayo sakin tong butike na to.
Pinigilan ko nalang ang sarili ko umirap at nagfocus ulit sa sinasabi ng pari."Sa buhay natin.. marami tayong mapagdadaanan maaaring may pagkakataon na mahihirapan tayo at susubukin tayo ng panginoon kung saan lang ba natin kayang lumaban. pero palagi lang nating tatandaan na sa araw araw na dumadaan tayo sa pagsubok laging nakaagapay sa atin ang panginoon at hindi nya tayo pinapabayaan" pangaral ng pari
Napansin ko namang napatango si Ian at nangiti.
Nanatili akong nagfocus sa mga sinasabi ni father.
Pag about love yung sinasabi nya iniiwas ko ang tingin ko at pilit di pinapakinggan yon.
Yung iba naman tuwang tuwa. Nagtanong pa nga si father sinong may jowa, single at heartbroken.Father naman eh. wala namang personalan.
"Sino naman dito ang iniwan at pinagpalit?" tatawa tawang tanong ni father
Napasimangot nalang ako.
Pero parang tangang ngingiti ngiti etong butike na to ng mabanggit ni father yon.
Kala mo naman kasi talaga kinagwapo nya yon?Napaiwas nalang ako ng tingin at tumingin ulit kay father.
"Pero dapat parin tayong matutong magpatawad. ang dyos nga ay nagpapatawad? pano pa kaya tayo na tao lamang? isipin nalang natin palagi na sa taong may lilisan sa ating buhay ay may tao naman na darating at mas higit pa kesa sa taong umalis. piliin natin palagi ang magpatawad" patuloy ni father
Lord. alam ko naman eh. Tao lang din naman ako, pero hindi ko pa kayang magpatawad ngayon.. sobra akong nasaktan..
"Sino naman dito ang mga nagkabalikan? comeback ba kumbaga sabi nga ng mga kabataan ?" ngiting tanong muli ni father at sa pagkakataong yon hindi ko alam bat automatiko na tumingin ako sa gawi nila butike
Nakita ko namang hinalikan ni butike yung kamay ng jowa nya at pareho silang nagtaas ng kamay.
May mangilan ngilan ding nagtaas ng kamay.Napangiti naman si father at muling nagsalita
"O madami dami din naman pala, kayo ang patunay na hamunin man ng pagsubok ang relasyon nyo kung kayo ano man ang mangyari kayo at kayo pa din hanggang huli" sabing muli ni father
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...