Maaga kaming nagising ni Ian dahil ayaw ko namang maabutan kami nila Jo nang ganto
Nagpaalam din sakin si Ian na kukunin lang nya yung gamit nya dun at babalik na sya ditoPalabas na ko sa kwarto ng masalubong ko si Jo na napatingin din sakin
"Bat ganyan ka maglakad?" takang tanong nito habang pinagmamasdan ako
Napalaki naman yung mata ko.
Pinipilit ko ngang ayusin yung lakad ko pero napansin nya pa dinPano ba naman kasi tong si Ian aalis nalang kanina umisa pa eh
Ang sakit na naman tuloy."Ah wala natapilok lang ako kagabi. Nalasing kasi ko sobra eh" pagdadahilan ko
Lalagpasan ko na sana sya ng bigla syang magsalita ulit
"eh bat sa balakang ka nakahawak?" takang tanong nya
Napapikit nalang ako at nag-isip nang maidadahilan
"A-ah.. a-ano.. masakit din kasi yung balakang ko k-kasi may lamig oo tama! may lamig ako" parang tangang pagdadahilan ko
Pero nakatingin pa din sya sakin nang nagtataka
"Sigurado ka ba?" tanong nya ulit
Tumango nalang ako "O-oo nga dyan kana nga kakain muna ko" paalam ko tsaka sya nilagpasan
Hays ganto pala feeling kaloka naman parang need ko na ata ng wheelchair
Habang kumakain ako rinig kong may nagdoorbell kaya kahit iika ika agad ko naman yung binuksan
Bumungad sakin si Ian na nakangiti kaya ngumiti naman din ako"okay ka lang mahal?" tanong nito nang mapansing nakahawak ako sa balakang ko
"hindi. kasalanan mo to eh" mahinang bulong ko sa kanya
Natawa naman sya tsaka ako binuhat
"uhmm kasalanan ko?" maang nyang tanong "sino kaya yung nagsabi kagabi hmmm" pang aasar pa nito kaya sinamaan ko sya nang tingin
"Fine. eh ikaw kasi umisa ka pa kanina" bulong ko
Totoo naman eh ginising nya kasi ko sabi nya uuwi na daw tas ayun na may pa round 2 pa kainis
"Sorry na" ngingiti ngiting sabi nito
Inirapan ko nalang sya
"Mahal sorry na" pangungulit nito "hindi kita ibababa sige" dagdag nya pa
Sasagot na sana ako nang biglang lumabas si Jo sa kwarto nya
"Ang aga naman nyan lovebirds" pang-aasar nito kaya nilapag naman na ko ni Ian
"Aray!" daing ko nang maramdaman ko na naman yung hapdi sa ano ko
Naaligaga naman si Ian kaya inalalayan ako
"Okay ka lang?" tanong nya ulit
Inirapan ko nalang sya tsaka bumalik sa lamesa at kumain
"Oh Ian. dito kana ba ulit titira?" tanong ni Jo ng mapansing madaming dala si Ian na bag
"Oo pinabalik na ko ng misis ko eh" sagot nito sabay kindat sakin
Napaiwas naman ako nang tingin dahil ramdam kong nag-init yung mukha ko
Ilang araw ka lang nawala Ian bumabanat kana ah"Wow misis na si anteh! sana sa susunod nanay naman" biro nito kaya napalaki yung mata ko at binato sya nang tinapay
"Hoy! anong nanay ka dyan!" inis na sabi ko sa kanya
"Oh bakit? dun din naman papunta yun pag may mangyari sa inyo" pang aasar pa nito kaya mas lalo akong nairita
Alam nya kaya yung ginawa namin kagabi ni Ian?
Baka naman naririnig nya ko?
Hindi naman ako maingay ah
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...