CHAPTER 13

33 8 0
                                    

Nandito kami ngayon sa mini coffee shop ni Jazz. Love na love ko talaga yung mga gantong lugar feeling ko narerelax yung utak ko pag nasa coffee shop ako tas ang ganda pa ng view sa labas.

"Ano gusto mong kainin?" seryosong tanong ni jazz

"Yung dati pa din" sagot ko tsaka muling tumingin sa bintana.

Hays ang ganda ganda talaga dito. Babalikan ko tong lugar na to.
Pinagmasdan ko lang yung mga batang naglalaro sa labas.
Sana bata nalang ulit ako.. Walang problema. palo lang ni mommy aalalahanin ko hays.. Nong bata ako gusto kong tumanda agad pero ngayon.. Ayoko na pala. Ibalik nyo nalang ulit ako sa pagkabata.

Ilang buwan na nga ba ang nakalipas? Lima? Pito? pero bakit hanggang ngayon.. May kung ano pa din sa dibdib ko.. Mabigat pa din gusto kong ilabas lahat..

Nasira yung tiwala kong unti unti kong inayos noong nawala si Shin.. ilang taon kong inayos ang sarili ko hanggang sa gumaling ako.. Tas may isang taong darating para wasakin ulit yung bakod na ginawa ko para sa sarili ko. Mas lalong nadurog at sobrang hirap na hirap akong ayusin ngayon..

Sabi nga nila it takes time para magheal yung sugat mo.
Pero bat ang tagal naman ata? Tinutulungan ko naman ang sarili ko eh. Inaayos ko naman..

"Here" rinig kong bulong ni jazz napatingin naman ako sa kanya at inaabutan nya ko ng panyo "anong gagawin ko dyan?" takang tanong ko "i think you need this. baka isipin pa ng ibang taong nandito pinapaiyak kita" sagot nya naman kaya agad kong kinapa yung mata ko.

Ahhh shit..

Agad kong kinuha yung panyo nya at pinunasan ang luha ko "t-thank you .." ilang na sabi ko "care to share?" tanong nya kaya wala na kong nagawa

Kinuwento ko na kay jazz lahat simula umpisa hanggang sa ngayon..

"Idiot" sagot nya nang matapos kong ikwento lahat

Hays ano pa nga ba maaasahan kong sagot sa mokong na to? Puro naman yan ganyan .. Tss

"Nagpagamit ka sa lalaking alam mo sa sarili mo na sa umpisa palang hindi pa nakakamove on sa ex nya? Ganyan ka katanga?" tanong nya at halatang irita sya

"Hindi ko naman kasi alam eh. Akala ko kasi okay na sya na nakamove on na sya.. Akal--" di ko natapos yung sasabihin ko ng pasakan nya ng cake yung bunganga ko.

Napakabastos talaga!!

"Puro ka akala. Ang tanga tanga mo pa din talaga no? Boys are boys. ginamit ka nya pampalipas oras. para punan mo yung nararamdaman nya pero hindi ikaw ang mahal nya kundi ex nya. pinaniwala ka nya para hindi mo sya iwan dahil takot sya mag-isa. stupid"

Napasimangot nalang ako at parang batang naiiyak habang nginunguya yung malaking piraso ng chocolate cake na pinasak nya sa bibig ko..

Ang sama sama parin talaga huhuhu. Mommy!!

"B-bakit mo ko pinapagalitan.." naiiyak kunwaring sabi ko

Gagana yan.. Gagana yaan..

Tinitigan nya naman ako at inirapan

"stop that. mukha kang asong walang bakuna" natatawang sagot nya kaya sinamaan ko sya ng tingin "yabang mo! i hate you!" inis na sagot ko at nilunok yung cake na kanina ko pa nginunguya. nakakangalay sa panga..

Uminom naman ako ng tubig tsaka pinunasan yung bibig ko at muling humarap sa kanya.

"Oo na. tanga na atleast natuto na ko. Tsaka di ako bitter na no. Pupunta nga ako sa kasal nya eh" sabat kong muli napatingin naman sya sakin "When?" tanong nya

"Bakit?" takang tanong nya ulit nang mapansing nakatitig ako sa mukha nya pfft strawberry cake para sa maangas na lalaki. nilapit ko yung kamay ko at pinunasan yung mukha nya dahil nalagyan ng pink icing yung gilid ng labi nya. burara pa din kumain

Take Me To Your Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now